Pacman napuruhan sa balikat, sasailalim sa MRI
Ervin Santiago - Bandera May 04, 2015 - 02:49 PM
BUKAS ay nakatakdang sumailalim sa MRI (magnetic resonance imaging) si Manny Pacquiao, ito’y upang malaman kung kailangan niyang sumailalim ng operasyon dahil sa kanyang shoulder injury.
Sa interview ng Umagang Kay Ganda kay Manny kahapon, sinabi niyang bago pa sila magharap ni Floyd Mayweather noong Linggo ay sumasakit na ang balikat niya. Ito ang dahilan kung bakit hiniling niya na bigyan siya ng anti-inflammatory shot bago ang laban nila ni Mayweather. Pero hindi pumayag ang Nevada Athletic Commission (NAC), ang siyang nangangalaga sa kundisyon ng kalusugan ng dalawang boxer. Kailangan ito ni Pacman para mamanhid ang kanyang balikat. “Kinausap sila, pero matigas sila, e. Kumbaga, sabi ko na lang, ‘Sige, okay lang,’” ani Pacman sa nasabing panayam. Pero nilinaw ni Pacquiao na torn ligament lang ang iniinda niya sa balikat at hindi raw ito putol, “Punit, punit siya. Three weeks ago, before the fight, pina-MRI ko. May punit siya. Ngayon, patingnan ko ulit.”Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending