Mga pumusta kay Pacman napamura, halos isumpa si Mayweather | Bandera

Mga pumusta kay Pacman napamura, halos isumpa si Mayweather

Reggee Bonoan |May 04,2015
facebook
share this

Mga pumusta kay Pacman napamura, halos isumpa si Mayweather

Reggee Bonoan - May 04, 2015 - 02:00 AM

floyd mayweather

Hindi namin alam kung malulungkot kami o matatawa sa mga narinig naming nangyari sa pagkatalo ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao dahil may kanya-kanyang kuwento ang mga kakilala naming empleyado ng ABS-CBN, TV5 at GMA 7 na pumusta at natalo.

Hindi na namin babanggitin kung sinu-sino ang mga natalo dahil obviously, kay Manny sila pumusta dahil nga kumpiyansa silang mananalo si People’s Champ.

Kaya kung anu-anong masasamang salita ang narinig namin sa pagkatalo nila sa pustahan samantalang masayang-masaya naman ang mga pumusta kay Floyd Mayweather.

In fairness, marami ang pumusta kay Mayweather, hindi lang namin alam kung bakit hindi nila pinost sa social media na panalo sila sa pustahan – inisip na lang namin na natakot silang ma-boo rin tulad ni Floyd.

Ang tanong, ano kaya ang final decision ni Manny Pacquiao sa boxing career niya, hihinto na ba o tuloy pa rin? Ikaw bossing Ervin, pumusta ka rin ba? (Oo, pero hindi ko sasabihin sa iyo kung nanalo ako o natalo! Ha-hahaha!)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending