Nanatiling walang talo si Floyd Mayweather Jr. matapos na biguin si Manny Pacquiao kahapon sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada at paluhain ang buong sambayanang Pilipino.
Pinaboran ng tatlong hurado (118-110, 116-112 at 116-112) si Mayweather para sa isang unanimous decision win. Ito ang ika-48 panalo ng undisputed welterweight champion na si Mayweather.
Hindi naman ikinatuwa ni Pacquiao ang naturang desisyon. Aniya, siya ang dapat na nanalo sa labang ito at hindi si Mayweather.
Ngayon pa lang ay umaasa na ang mga fans ni Pacquiao na magkakaroon ng rematch sa Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.