7 ginto paglalabanan sa Palaro athletics ngayon | Bandera

7 ginto paglalabanan sa Palaro athletics ngayon

Mike Lee - May 03, 2015 - 12:00 PM

PITONG ginto ang paglalabanan agad sa athletics sa pagsisimula ngayon ng Palarong Pambansa sa malawak at makabangong Davao del Norte Sports and Cultural Complex sa Tagum City.

Sa ganap na alas-6 ng umaga magsisimula ang aksyon at ang mga gintong paglalabanan sa pang-umaga laro ay sa secondary boys discus throw at long jump bukod sa elementary boys at girls shot put. Laro sa secondary girls shot put at long jump bukod sa triple jump elementary boys ang mga gintong pag-aagawan sa panghapong laro.

May 17 sports sa secondary at 16 sa elementary ang magaganap na tagisan sa loob ng isang linggong kompetisyon pero pahinga pa sa unang araw ang badminton, boxing, sepak takraw at taekwondo ngayon.

Ito na ang ika-58th edisyon ng Palaro pero kauna-unahang isasagawa sa Davao del Norte kaya naman todo ang suportang ibinibigay ni Governor Rodolfo del Rosario upang matiyak na magiging matagumpay ang hosting na suportado rin ng Tagum Agricultural Development Company Inc. (TADECO), Damosa Land, Davao Packaging Corporation (DPC), Davao International Container Terminal, Inc. (DICT) at Pearl Farm Beach Resort.

“This young athletes are the future of Philippine sports and we wish them all the best in their for medals. But more than winning medals, we want them to remember the culture of peace that we have established. We hope our hosting will help unite all kinds of people from different walks of life,” wika ni Gov. Del Rosario.

Tinatayang hindi bababa sa 10,000 ang mga atleta, opisyales at bisita mula sa 17 rehiyon ang nasa Davao del Norte na binabalot ng matindi init.

Wala namang dapat ikabahala dahil tiniyak ni Dr. Agapito Hornido, pinuno ng Palaro medical team, na handa sila na tulungan ang mga bata at bisita na posibleng maapektuhan ng mainit na panahon.

Habang nagsisimula na ang aksyon, ang opening ceremony ay gagawin bukas at si DILG secretary Mar Roxas ang siyang kakatawan kay Pangulong Benigno Aquino III bilang panauhing pandangal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending