Benjie Paras mabubuking nang anghel si Nathaniel | Bandera

Benjie Paras mabubuking nang anghel si Nathaniel

Ervin Santiago - May 03, 2015 - 02:00 AM

benjie paras

Ngayong Lunes na ng gabi malalaman ni Abner (Benjie Paras) na isang anghel si Nathaniel (Marco Masa) sa Primetime Bida series na Nathaniel after TV Patrol.

Bukod dito, marami pang revelations ang dapat abangan sa pagpapatuloy ng Nathaniel na sa simula pa lang ay humataw na sa ratings game.

Gabi-gabing tinututukan at pinag-uusapan ang top-rating primetime drama series ngayon ng ABS-CBN na Nathaniel dahil na rin sa inspirasyon at magagandang aral na ibinabahagi nito sa viewers.

In fact, lagi itong trending topic sa Twitter at iba pang social media, puring-puri nila ang lahat ng members ng cast sa pangunguna nga nina Marco, Gerald Anderson, Shaina Magdayao at Coney Reyes, ang kinaiinisan at isinusumpang karakter ngayon ng madlang pipol sa Nathaniel.

At sa pagpapatuloy nga ng kuwento ng Nathaniel ngayong linggo, tiyak na mas kakapit pa ang mga manonood ngayong nagkrus na ang mga landas nina Nathaniel at ng kanyang tatay na si Paul (Gerald).

Ano ang gagawin ni Nathaniel sa oras na matuklasan niya ang maling paniniwala na itinuturo ng kanyang tunay na tatay? Si Nathaniel na nga ba ang magbibigay daan upang muling manumbalik ang pag-iibigan ng kanyang mga magulang na sina Paul at Rachel (Shaina)?

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na tagpo sa kwentong magpapatunay na may kabutihan sa puso ng mga tao, Nathaniel, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending