Dennis umaming 4 na araw kasama si Jennylyn sa Balesin Island, 'NAGKABALIKAN' na | Bandera

Dennis umaming 4 na araw kasama si Jennylyn sa Balesin Island, ‘NAGKABALIKAN’ na

Ervin Santiago - May 02, 2015 - 02:00 AM

dennis trilllo

HINDI man diretsong inamin ni Dennis Trillo, feel na feel namin na nagkabalikan na nga sila ni Jennylyn Mercado. Kitang-kita namin ang kakaibang aura ng aktor habang kachika namin siya sa ginanap na Kapuso Night noong Hiwebes ng gabi sa Dagupan City.

Sina Dennis at Tom Rodriguez kasama pa si Kris Bernal ang special guests sa nasabing Kapuso event bilang bahagi pa rin ng Bangus Festival ng Pangasinan kung saan nagsilbi namang host ang gay best friend ni Marian Rivera na si Boobay.

Sa interview namin kay Dennis kasama ang ilang pi-ling miyembro ng entertainment press, inamin nitong magkasama nga sila ni Jennylyn sa Balesin Island kamakailan. Apat na araw daw silang nagbakasyon sa sosyal na beach resort.

Diretsong tinanong ang Kapuso Drama King kung nagkabalikan na ba sila ng kanyang ex, “Magkaibigan kami uli, at natutuwa ako dahil unti-unti naming naibalik yung friendship na nawala, at pareho kaming masaya sa mga nangyayari sa amin ngayon. Ang mahalaga naman kasi, okay na kami uli.”

Pero nanliligaw ba siya uli kay Jen? “Wala pa naman. Hindi naman kasi…ano, ine-enjoy lang namin kung anong meron kami ngayon after what happened in the past.

Okey kami at pareho kaming natutuwa na ganito na uli kami ngayon, nagkakasama, nagkakausap kapag may free time, yun.”
Ayon kay Dennis, nagsi-mula raw manumbalik ang magandang relasyon nila ni Jennylyn noong magkaroon sila ng duet sa huling album ng aktres, hanggang sa makasunud-sunod na ang kanilang pagsasama sa mga showbiz events.

Sa katunayan, naging special guest pa ni Jen si Dennis sa nakaraang Valentine concert nito. Doon pa lang ay marami na ang nagsabi na nagkabalikan na ang dalawa dahil nga sa kakaibang sweetness nila.

Sa katunayan, magka-holding hands pa sila nu’ng mag-duet sila sa nasabing Valentine show. Anong nagbago kay Jennylyn ngayong “nagkabalikan” na sila? “Pareho naman kaming nag-mature dahil na rin siguro sa mga pinagdaanan namin sa buhay, tsaka siyempre, gumaganda siya!” naka-ngiti pang chika ni Dennis.

Tinanong din si Dennis na kung bubuksan ang puso niya ngayon, sino kaya ang makikita roon, bukod sa kanyang pamilya, kay Lord at sa kanyang anak? “Sino? Kayo na ang bahala, kung sino ang gusto n’yong makita!”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending