MRT nagka-aberya na naman kahit holiday
Leifbilly Begas - Bandera May 01, 2015 - 02:44 PM
Muling nagka-aberya kahapon ng umaga ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3.
Mas konti man ang pasahero dahil holiday, hindi naman maiwasang mairita ang mga pasahero na sasakay sana ng tren ng pababain sila ng istasyon alas-6 ng umaga.
Nabatid na nagkaroon ng sira ang riles sa pagitan ng Santolan at Ortigas Avenue stations station kaya walang biyahe mula North Ave., hanggang Shaw Boulevard.
Nagpatuloy naman ang biyahe mula sa Taft Avenue station hanggang Shaw Boulevard.
Tumagal ng ilang oras bago bumalik sa normal ang operasyon ng MRT.
Noong Huwebes ay daan-daang pasahero rin ang naabala ng bigla na lamang huminto ang tren sa pagitan ng Kamuning at Cubao southbound stations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending