Part 2 ng SAF 44 episode ng MMK maaksiyon, mas madrama
At sa part 2 nga ng “Fallen 44” episode ng MMK ngayong Sabado, saksihan ang pagkakaibigan ng dalawang SAF commando na sina Rennie at Garry at kung paano ito pinatatag ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa bansa.
Abangan ang pakikipagsagupaan at pagtutulungan ng mga grupong pinangungunahan nina Garry at Rennie at kung paano nila piniling kalimutan ang kanilang mga kapakanan sa ngalan ng pagprotekta sa mga Pilipino.
Tunghayan din kung paano hinarap nina Suzette (ginagampanan ni Angel) at ng mga mahal sa buhay ng mga nasawing SAF commandos ang kalungkutan at pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay na maituturing na mga tunay na bayani ng bayan.
Ang two-part special tribute na ito para sa SAF 44 ay sa direksyon ni Garry Javier Fernando at sa panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio. Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado, 7:15 p.m. pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.
Samantala, ang unang episode nito na tinampukan nga nina Coco at Angel ay nakapagtala ng lagpas sa 30% audience share sa ratings, base sa tala ng Kantar Media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.