Mommy Pinty hiyang-hiya sa pag-hello ng ‘boobs’ ni Alex | Bandera

Mommy Pinty hiyang-hiya sa pag-hello ng ‘boobs’ ni Alex

Reggee Bonoan |April 30,2015
facebook
share this

Mommy Pinty hiyang-hiya sa pag-hello ng ‘boobs’ ni Alex

Reggee Bonoan - April 30, 2015 - 02:00 AM

alex gonzaga

FOLLOW-UP ito tungkol sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa wardrobe malfunction ni Alex Gonzaga sa nakaraan niyang concert.

May dagdag kuwento kaming nasagap tungkol dito na isang araw bago ang mismong concert ng dalaga ay nagkasakit ang Mommy Pinty Gonzaga niya na dahil sobrang na-stress daw.

Kaya pala hindi siya mahagilap sa Araneta Coliseum nu’ng mismong show dahil gabi na pala siya dumating sa venue at mainit na ang ulo dahil may nagparating pala na may mga palpak na sa isusuot ni Alex.

Tinanong namin kung bakit nagkaroon ng palpak sa wardrobe, e, di ba may dress rehearsal muna bago ang mismong araw ng show o kaya may fitting schedule muna.

“Hindi na umabot kasi nagkaroon ng aberya saka ngarag lahat pati ‘yung assistant ni Pam (Quinones) super ngarag, sabi nga ni mommy Pinty, ‘mas ngarag ka pa sa performer? First time mo ba (magbihis ng artista), hindi sanay.

“Kaya kinabukasan (Lunes) may meeting si Mommy Pinty do’n sa gumawa ng damit ni Alex kasi talagang hindi niya nagustuhan,” kuwento ng taong nasa dressing room nu’ng gabi ng show.

Nabanggit namin na kumalat kaagad sa social media ang litrato ni Alex na habang kumakanta ay nakalabas ang bra, “Kaya nga hiyang-hiya si mommy Pinty para sa anak, good thing kumita ang show ni Alex,” sabi sa amin.

Samantala, hindi naman kami sinagot sa tanong namin na ipinamigay lang daw ang tickets kaya napuno ang “AG: The Unexpected Concert.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending