TAG-ulan na naman at asahan na ang madalas na pagbaha ng mga kalsada.
Asahan na rin ang posibleng pagkapurnada o pagkaaberya ng mga makina ng inyong motorsiklo na isinusugod sa tubig-baha.
Pwedeng i-revive ang tumirik na motorsiklo ngunit kadalasan ang naoobserbahan ng mga motor rider ay pumapalya na ang performance ng kanilang engine.
Madaling mapansin na hindi na ito gaya ng dati. Ang kadalasang napapansin ay ang throttle response.
Para sa mga motorsiklo na gawang China, ang bago at kakaibang tunog ang mapapansin mula sa makina.
Bagamat ang ganitong mga senyales ay hindi sapat na dahilan para ipatingin ang motor, merong isang mahalahang kumpirmasyon na dapat isaalang-alang – ang posibilidad na masira ang engine o makina ng motor.
Kayang i-revive ang mga tumirik na motorsiklo ng mga street mechanic. Pero iba ang patakaran ng mga dealer mechanic para maibalik sa maayos ang lagay ng inyong motorsiklo.
Yun nga lang mas may kamahalan ito.
Madumi ang tubig baha at ang mga solid na bagay na nakahalo rito na talagang mapanganib sa motorsiklo sa sandaling pasukin ang makina nito.
Nakakasira ito ng electrical at fuel system ng motor.
Ngunit tubig rin ang makakalinis nito, tubig na malinis ngunit hindi naman kasing linis ng bottled water.
Bagamat ang air filter ang direktang naaapekuthang “functioning part” kapag nalubog sa tubig baha ang iyong motor, meron pang mga major parts ang dapat ding bantayan pa sa sandaling nai-revive na ang motor.
Nangyayari ito sa ilang kaso.
Kailangang i-check din ang motorsiklo kung pinasok ito ng putik at kung natanggal ito sa sandaling nai-revive.
Silipin ding mabuti ang ilan pang parts na posibleng hindi napansin.
Kung sa tingin ninyo ay hindi pa natatanggal ang putik o maruming tubig, asahan na makakaapekto ito sa performance ng inyong motor, mas masaklap ay ikasira pa ito ng engine.
Tandaan nakakakalawang ang tubig.
Ang kailangan nito ay “liquid penetrant” na makakapag-alis ng kalawang. —Lito Bautista
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.