Bumaba ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho sa bansa, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Naitala sa 19.1 porsyento o isa sa bawat limang Filipino ang walang trabaho bahay sa survey na isinagawa noong Marso, mas mababa sa 27 porsyento na naitala noong Disyembre.
Sa mga walang trabaho pero naghahanap ng mapapasukan, apat na porsyento ang hindi pa nakakaranas magtrabaho, pitong porsyentong ang boluntaryong umalis sa trabaho, tatlong porsyento ang nagsara ang pinapasukan, apat na porsyento ang hindi na na-renew ang kontrata at isang porsyento ang naalis sa trabaho.
Umaasa naman ang 38 porsyento na darami ang bilang ng mapapasukang trabaho sa bansa sa susunod na 12 taon.
Wala namang nakikitang pagbabago ang 31 porsyento, at 18 porsyento ang naniniwala na mas kokonti ang mga bagong trabaho na malilikha. Ang 12 porsyento naman ay walang sagot.
Sa bilang ng mga walang trabaho, pinakamarami ang edad 18-24 (50 posyento), na sinundan ng 25-34 (28 porsyento), 35-54 (16 porsyento) at 45-anyos pataas (8 porsyento).
Ginawa ang survey mula Marso 20-23 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.