Sulat mula kay Kyle ng Calagundina, Mati, Davao Oriental
Dear Sir Greenfield,
Sa loob ng limang taong pagsasama namin ng mister ko ay maayos at masaya naman kami. Ang problema nga lang ay until now, wala pa rin kaming anak. Nasa Saudi po siya ngayon pero uuwi na rin siya sa darating na June or July. Itatanong ko lang kung magkaka-baby na ba kami ngayong taong ito at kung magkaka-baby na kami kailan po kaya ito mangyayari? Gusto ko rin pong malaman kung babae ba o lalaki ang unang magiging baby namin? October 4, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Kyle ng Davao
Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw namang dalawang Children Lines o Guhit ng Supling (Illustration 1. arrow 1.
at 2.) sa iyong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, wag kang mag- alala, basta’t wag ka lang mawawalan ng pag-asa, siguradong magkaka-baby din kayo ng dalawa pa.
Cartomancy:
Six of Hearts, Two of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa darating na buwan ng Hunyo tiyak ang magaganap – mabubuntis ka, upang paglipas ng siyam na buwan, isang babaing sanggol ang isisilang.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.