Megafight kumita agad sa mga sponsor
HINDI pa man naghaharap sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa kanilang laban sa Mayo 3 sa MGM Grand Garden Arena, ang kasikatan ng kanilang megafight ay agad namang nagtala ng mga panibagong record.
Isa na rito ang kikitain mula sa sponsorship ng Fight of the Century.
Sa ulat ni Dan Rafael sa ESPN.com, ang welterweight unification megafight ay mayroong limang title sponsors na nagkaloob ng nakalululang $13.2 milyon sa ads pa lamang.
Sinabi ni Top Rank President Todd duBoef kay Rafael na ang nakakagulat na numero ay bumasag sa mga naunang records ng mga laban ni Mayweather na nakalikom ng tinatantyang $3.5 milyon hanggang $4 milyon.
Si Lucia McKelvey, ang Top Rank executive vice president of marketing magmula pa noong 2011, ay batid naman ang nasabing record at hindi siya nahiyang sabihin kay Rafael ang kanilang nakamit.
“We killed it, we blew it out of the water,” sabi ni McKelvey, na nakatrabaho rin si Bruce Binkow ng Mayweather Promotions sa mga sponsor deals.
Ang milyones na dolyar na kita ay mula naman sa dalawang kumpanya na inilabas ang kanilang makakaya para maging pangunahing sponsor.
At ang mga ito ay mga mga kumpanya ng beer.
Ang Tecate, na siyang sponsor ng mga laban ni Pacquiao at Top Rank, ay naungusan ang Corona, na naging sponsor ng laban ni Mayweather, na tumaya ng $5.6 milyon kumpara sa $5.2 milyon ng katunggali.
Bunga nito, ang logo ng Tecate ay maididikit sa center-ring para sa nasabing laban, makikita agad sa mga fight posters, at ang beer nito ay ibibenta sa venue.
“We have been sponsoring boxing since 2007 so we have been associating ourselves with boxing and been waiting for so many years for a fight like this,” sabi ni Tecate brand director Gustavo Guerra sa ESPN.com. “We know in the past we have had great fights but nothing is going to be compared to what is already called the fight of the century. We wanted to increase our brand awareness and we will achieve it with this fight.”
“It is like the Super Bowl of boxing, a gigantic sporting event. It’s good for us. It’s about credibility. We cannot have the luxury of being out of this fight. This is very important for us.”
Ang iba pang sponsor ng laban ay makikita rin ang kanilang mga logo sa mat at pay-per-view graphics.
Ang isa pang sponsor ng laban ay ang Philippine telecom company Smart Communications.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.