Fallen 44 episode nina Angel at Coco sa MMK nag-trending | Bandera

Fallen 44 episode nina Angel at Coco sa MMK nag-trending

Ervin Santiago - April 27, 2015 - 02:00 AM

angel locsin

BONGGA ang kauna-unahang pagtatambal nina Angel Locsin at Coco Martin sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya na umere noong Sabado ng gabi na tumalakay sa buhay ng dalawang nasawing SAF commando sa Mamasapano, Maguindanao.

Part one pa lang ang napanood last Saturday at talagang inabangan ito ng mga manonood base na rin sa taas ng nakuha nitong rating, bukod pa sa naging isa ito sa top trending topic sa Twitter.

Pinuri-puri ng netizens ang naging performance nina Coco at Angel sa nasabing MMK episode, napakalakas daw pala ng chemistry ng dalawang Kapamilya stars, at bagay na bagay din sa kanila ang mga karakter ng magkasintahang Garry Erana at Suzette Tucay na pinaghiwalay nga ng tadhana dahil sa masaklap na pagkamatay ng 44 na miyembeo ng PNP-SAF.

Sa unan bahagi pa lang ng kuwento ay pinaiyak na nina Coco at Angel ang madlang pipol, kung saan ipinakita nga kung paanong nagsimula ang kanilang pagmamahalan hanggang sa magkaroon na sila ng conflict dahil nga sa pagiging sundalo ni Garry.

Natapos ang part one ng nasabing MMK episode sa eksenang pinaghahanda na ang SAF 44 para sa gagawin nilang operasyon laban sa mga terorista, partikular na ang wanted na si Zulkifli bin Hir, alias “Marwan”.

Sa kabuuan ng nabanggit na episode, ang hashtag na #MMKFallen44 ang nag-number one sa mga local trending topic sa Twitter. Naging isa naman ito sa worldwide trends matapos itong umere.

Nakalaban nito sa trending topic sa nasabing social networking site ang “Nepal”, na nilindol noong Sabado at ang hastag tungkol sa dating member ng One Direction na si Zayn Malik.

Sa darating na Sabado, May 2, mapapanood ang part two ng Fallen 44 episode ng MMK kung saan makikita ang matinding pagluluksa ni Suzette sa pagkamatay ng kanyang fiance. Tiyak daw na babaha na naman ng luha sa Sabado dahil sa madadramang eksena nina Coco a Angel.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending