Boobs ni Alex inokray ni Vice; agaw-eksena ang bra
SA halip na mahiya, ginawa na lamang katatawanan ni Alex Gonzaga ang pag-hello ng kanyang boobs sa isang bonggang production number sa katatapos lang niyang “The Unexpected Concert” sa Araneta Coliseum.
Balitang nabiktima rin ng wardrobe malfunction si Alex sa kanyang concert kung saan habang nagpe-perform daw ito ay unti-unting sumilip ang suot na strapless bra sa loob ng kanyang outfit.
Pero dahil professional daw siya, itinuloy pa rin niya ang kanyang pagsasayaw. Mabilis namang lumapit sa kanya ang isang backup singer sa stage at inayos ang kanyang damit. Ngunit sa kasamaag palad, tuluyan nang lumitaw ang bra ng sisteraka ni Toni sa harap ng audience.
“Trending ang bra ko!” ang tanging nasabi ni Aless matapos ang nasabing production number na ikinahagalpak ng manonood. Ito rin ang naging trending na eksena sa kabuuan ng concert ni Alex.
Kahit nga ang ate niyang si Toni at Vice Ganda na nagsilbing special guests sa show ay hindi napigilang asarin si Alex dahil sa paglabas ng kanyang bra. Sey ni Vice, kaya raw siguro bumaba ang bra niya ay dahil maliit lang ang kanyang dibdib.
Ilan pa sa naging special guests ni Alex sa kanyang concert ay sina Luis Manzano, Matteo Guidicelli, Joseph Marco, Jolina Magdangal at marami pang iba.
Samantala, tuloy pa rin ang pamamayagpag ng fantaserye niyang Inday Bote sa Primetime Bida kasama sina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano.
Ngayong linggo, abangan ang makulay, masaya, madrama at masalimuot na kuwento ni Inday lalo na ngayong mas tumindi pa ang galit sa kanya ni Aiko Melendez.
Matulungan kaya siya ng mga kaibigang dwende para mailigtas sa masasamang plano ng mga kontrabida sa buhay niya? At tutukan din ang namumuong pag-ibig sa pagitan nila ni Matteo. Napapanood ang Inday Bote bago mag-TV Patrol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.