Naghahanap ng girlfriend (2) | Bandera

Naghahanap ng girlfriend (2)

Joseph Greenfield |April 24,2015
facebook
share this

Naghahanap ng girlfriend (2)

Joseph Greenfield - April 24, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay  John Paul ng Subang,  Mandaue City, Cebu

Problema:

1. Tawagin n’yo na lang akong Jayson. Sa darating na May 16 ay 28 na ang edad ko pero until now ay hindi pa rin ako nakapag-girlfriend ni minsan.
May trabaho naman ako sa ngayon bilang accountant sa isang accounting firm at okay naman ang income ko. Ang problema ko na lang sa ngayon ay kung paano magkaka-girlfriend kasi may mga girlfriend at asawa na po ang iba kong mga kaibigan at ka-barkada.

2. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo kasi po gusto ko na pong magka-girlfriend at mag-asawa. Sana masagot n’yo ang tanong ko kung kailan ako makakahanap ng girlfriend at makapaga-asawa? May 16, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
John Paul ng Mandaue City, Cebu

Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 1.) ang nagsasabing isang babaeng Virgo ang nakatakda mong maging girlfriend.
Sa una n’yong pagkikita, ang nasabing babae ay nakasuot ng white o asul na damit.

Numerology:

Ang birth date mong 16 ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2015, sa mga buwan ng Mayo hanggang Hunyo, ay darating ang nasabing babae na magiging girlfriend mo. Mabubuo ang inyong matamis at masayang pag-iibigan habang nagaganap ang Flores de Mayo sa inyong lugar.

Graphology:

Kapansin-pansing kinakitaan ng malinaw na phallic symbol ang buntot ng letang “j” sa iyong lagda. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay masiglang-masigla na ang iyong libido at nasagap na ng unconscious self mo ang susunod magaganap. Tulad ng inaasahan, pagpasok na pagpasok ng buwan ng Mayo, o sa unang patak ng ulan at habang nagaganap ang prosisyon para sa Mahal na Birhen, magkaka-syota ka na rin sa wakas.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Paul, ayon sa iyong kapalaran, kusang darating ang babaeng matagal mo nang hinihintay. Ito ay magaganap sa taong ito, sa buwan ng Mayo at sa edad mong 28. Tuluyan na ka ring makapag-aasawa, hatid ng isang babaeng maganda at nagtataglay ng initial na M.T.L.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending