DEAR Aksyon Line,
May problema ako sa SSS isang taon at anim na buwan na itong problema ko. Tungkol ito sa claim kong manual verification lagi akong pinapabalik-balik pero walang nangyayari. Please tulungan mo ako na marelease na ang aking manual verification.
Kasi ang hirap namin isa pa may sakit ang asawa ko na stroke. Ang problema namin ang aming maintenance at gamot sana man lang makakita pa kami ng doktor para ma check up kaya lumapit ako sa Aksyon Line para man lang matulungan mo ako na marelease na. Salamat po. Sorry kung hindi masyado kagaling ang sulat ko.
Very respecfully yours,
Bienvenido
G. Lucernas
REPLY: Ito ay kaugnay sa sulat ni Ginoong Bienvenido Lacernas hinggil sa manual verification request ng kanyang mga kontribusyon sa SSS.
Base sa aming rekord, hindi pa tapos ang manual verification sa mga kontribusyon ni G. Lacernas.
Sa kasalukuyan, ang SSS ay nagsasagawa ng proyekto kung saan lahat ng accounts ng mga SSS pensioners ay otomatikong ginagawan ng manual verification. Kapag matapos na ang pagsasagawa ng nasabing proseso, otomatiko ring i-aadjust ng SSS ang pensyon ng miyembro depende sa resultang kanilang makukuha.
Ang manual verification project ay tatakbo hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan. Aming pinapayuhan ni G Lacernas na maghintay hanggang matapos ang nasabing proyekto.
Salamat sa patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
May Rose
DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.