Marami ang na-shock, AIZA nagsuot ng tangga | Bandera

Marami ang na-shock, AIZA nagsuot ng tangga

- June 17, 2012 - 04:04 PM

Tinalbugan nina Vina Morales, Nyoy Volante at Aiza Seguera si Mig Ayesa sa musical play na “Rock of Ages” na mapapanood sa Carlos P. Romulo  Theater, RCBC Plaza sa Makati.

Bagamat maraming humihiyaw kay Mig sa tuwing lalabas siya ng entablado ay nadadaig naman siya ni Nyoy dahil sa ganda ng boses nito.

Marami ring pumuri kay Vina dahil para sa isang baguhan tulad niya sa stage play ay pumasa agad siya sa mga batikang stage actors na nanood ng play tulad nina Leo Valdez, Pinky Amador, Michael de Mesa, Menchu Lauchengco, Lea Salonga at iba pa.

Pero ang pinakanagustuhan ng lahat at talagang isinisigaw ang pangalan niya ay si Aiza dahil sino ba naman ang hindi masa-shock nang lumabas siya sa entablado na naka-tangga with black stockings na may sexy dance number pa kasama si Mig.

Maski na mataba si Aiza ay sexy pa rin daw siyang tingnan kaya naman iisa ang isinisigaw ng mga nanood, “Go, go, go Aiza!”Samantala, nanood din ang mommy ni Vina na si Mrs. Deanne Magdayao na ilang taon din naming hindi nakita at talagang tuwang-tuwa at kabado siya dahil nga first time sa stage  play ang anak.

“Kabado ako siyempre, pero nakakatuwa, nakaya naman niya,  proud ako sa anak ko,” say ni Mommy Deanne.

Namataan din namin ang bunsong kapatid ni Vina na si Shaina Magdayao na sobrang proud din sa ate niya at base rin sa obserbasyon namin sa aktres, wala naman kaming nakikitang lungkot sa mukha niya matapos ang break-up nila ni John Lloyd Cruz.

Samantala, mapapanood ang “Rock of Ages” hanggang July 8 at para sa tickets tumawag sa Atlantis Productions at 892-7078.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending