Nadia: I swear, wala akong alam sa away daw namin nina Precy at Laarni! | Bandera

Nadia: I swear, wala akong alam sa away daw namin nina Precy at Laarni!

Reggee Bonoan - April 24, 2015 - 03:00 AM

NADIA MONTENEGRO AT PRECY EJERCITO

NADIA MONTENEGRO AT PRECY EJERCITO

Finally, nakita namin si Nadia Montenegro sa grand finals taping ng Move It Clash of the Streetdancers noong Miyerkules ng gabi sa TV5 kung saan kasama niyang nanood ang mga anak niya para suportahan ang anak na si Anykka Asistio na isa sa finalist para sa Solo Movers.

Matagal na naming gustong makausap si Nadia para alamin ang balitang may gulo raw sila nina Laarni Enriquez at Precy Vitug-Ejercito sa social media.

Bago pa namin ito naitanong ay alam na ni Nadia ang isyu dahil may nagsabi raw sa kanya at naguguluhan daw siya dahil wala siyang alam.

Bungad ni Nadia, “Nagugulat ako Reggs, hindi ko alam san galing ‘yung isyu na ‘yan, you can check may Twitter wala akong pino-post. And I don’t have Facebook account, kaya nagugulat ako.

“I swear, wala akong alam sa away daw namin nina Precy or ni Laarni, magkakaibigan kami at kumare ko sila, ninang sila ng mga anak ko, kaya nahihiya ako, ano ba ‘yan. Hindi totoo ‘yan, san kaya galing ‘yan?” aniya pa.

Hindi na rin daw nagtanong si Nadia kina Precy at Laarni dahil wala rin naman daw siyang sasabihin o dapat klaruhin. Kaya kibit balikat na lang si Nadia sa isyu dahil para sa kanya, okay silang magkakaibigan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang misis ni Sen. Jinggoy Estrada sa isyu sa kanila ni Nadia.

Samantala, napanood naming sumayaw sa Move It Clash of the Streetdancers si Anykka at mahusay pala iang bagets.

Mapapanood na ang episode na ito sa Linggo, 7 p.m. sa TV5 hosted by Jasmine Curtis and Tom Taus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending