Robin nagreklamo sa laki ng binayarang tax; isasama si Mariel sa pag-alis ng Pinas | Bandera

Robin nagreklamo sa laki ng binayarang tax; isasama si Mariel sa pag-alis ng Pinas

Julie Bonifacio |April 24,2015
facebook
share this

Robin nagreklamo sa laki ng binayarang tax; isasama si Mariel sa pag-alis ng Pinas

Julie Bonifacio - April 24, 2015 - 03:00 AM

ROBIN PADILLA AT MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA AT MARIEL RODRIGUEZ

ACTION superstar Robin Padilla will bid adieu to showbiz again. Nakatakdang tumungo sa Spain si Robin kasama ang misis niyang si Mariel Rodriguez on May 5.

This is the reason kung bakit tinatapos na niyang lahat ang mga episodes para sa second season ng sitcom niya kasama ang mga kapatid na sina Rommel Padilla at BB gandanghari, ang 2 ½ Daddies na mapapapanood na sa Sabado, 8 p.m..

“Kailangan akong maka-detach sa maagang panahon kasi wala naman akong nakikitang pupuntahan kong maganda, e. Ayaw ko naman na araw-araw akong magalit baka ako ma-stress noon. Magkaroon pa ako ng sakit,” pahayag ni Robin noong makausap namin sa presscon ng 2 ½ Daddies.

Masyado nang worried sa kanya si Mariel dahil sa pagpo-post niya sa social media ng kanyang mga emosyon especially ‘yung tungkol sa binayaran niyang tax kamakailan.

“Sabi ni Mariel, ‘Tama na. Tama na.’ Ako naman, hindi. Kasi ang laking perang kinuha sa akin (sa tax),” sabay iling ni Robin.

Punung-puno raw kasi ng tax ang mga mamamayang Pilipino kaya gusto na muna niyang “makawala.” Nagpaalam na rin siya sa kanyang manager na si Betchay Vidanes at sinabi niya na kailangan muna niyang lumayo.

“Masyado na akong kinain nang frustration. Ayoko namang mawalan ng hope. Para sa akin kasi wala na akong nakikitang hope. Ayoko naman na maging ganoon. Kailangang bumalik muna ang aking sanity,” aniya.

Hindi naman daw nakadagdag ang pagkawala ng baby nila ni Mariel sa kanyang depresyon. Bago pa man daw kasi nakunan si Mariel ay insane na siya sa mga nangyayari.

“Wow! No logic at all! Itong nangyayari sa bansa natin, wala. Kasi minsan titingnan mo na lang kung may logic, e. Kung meron, mapapatawad mo na lang. Wala, e. Kahit logic wala na,” diin niya.

Babalik naman daw agad ng Pilipinas si Mariel para sa show niya sa TV5, ang Happy Wife, Happy Life. Pero maiiwan daw siya sa Spain and he’ll stay there for at least four months.

Kaya sinasamantala na rin ni Robin ang pakiki-bonding sa kanyang mga kapatid while doing 2 ½ Daddies, “Sa totoo lang masaya ako sa show namin. Marami kaming mga napagkukuwentuhan na hindi namin madalas napapag-usapan,” sambit niya.

Una na nga raw ang tungkol sa sama ng loob ni BB sa kanila, “‘Yung para siyang naisumpa, parang ganoon. E, syempre, para siyang naitakwil. Pero dinadaan na lang namin sa show ‘yun. Ang ginagawa ni BB, kino-caught niya kami sa kamera. Babanat siya, nagro-roll. Matitigilan kami ni Omeng (Rommel). Sabui ko, ‘bumabanat, ‘Tol, binabanatan tayo!”

Until now, firm ang decision ni Robin pati na nina Rommel at Royette na huwag nang ipakilala sa kanila ni BB kung sinuman ang kanyang boyfriend, “Kaligayahan na lang niya ‘yun. Buhay na niya ‘yun. Ihiwalay na lang niya ‘yun kasi sa usaping ‘yun, masyado pang maaga ‘yun para sa amin.”

Ayaw din sana niya na magpakasal pa si BB kahit kanino. Pero kung mangyari man, huwag na raw ipakilala sa kanila or huwag na raw i-discuss.

“Para saan? Matanda ka na? Ano mo na ‘yan…syempre ang mga iniiwasan natin diyan ay ‘yung magkaroon pa ulit ng samaan ng loob. Wala na, e. Hindi ba ang ganda-ganda na. Smooth na tayo, tapos magdadala ka pa ng isang shocking event. Tama na ‘yung tuwing dadating siya sa party namin, shocking na. Kasi ‘yung hitsura niya iba na tapos magdadala ka pa ng props,” diin pa ni Robin.

Pwede naman daw mag-request si BB ng party for his boyfriend or husband para ipakilala sa members of the family, “Pero puro na lang sila mga girrrrllss!” seryosong biro ni Robin.

Masaya rin ang kanilang ina na si Mommy Eva para sa second season ng 2 ½ Daddies pati na sa kanilang co-star na si Celia Rodriguez who plays the role as mommy nina Robin, BB at Rommel sa show.

Samantala, nabalita noon na sinagot ni Daniel Padilla ang pagpapa-ospital ni Mommy Eva, “Hindi naman imposible ‘yun, e.

Napakagalante ng batang ‘yun. Hindi isyu kay Daniel ang pera, Padilla talaga siya. Namana niya ‘yun. ‘Yung kapatid nga niya binilhan ng kotse,” pabulong na sabi pa ni Robin sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Niregaluhan din ng rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo si Rommel ng isang black Nissan Navarra pick-up bilang birthday gift niya sa kanyang ama last Jan. 4, “Ako, kung binigyan din ng kotse? Ah, hindi. Ako isa lang ang hinihingi ko kay Daniel, ipagpatuloy niya ang paggawa ng matitinong pelikula kasi ‘yan palagay ko ang iiwan niya. Choice between car and movie, ‘yung huli ang pipiliin ko na ibigay niya,” ani Robin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending