Richard nasa TV5 na, napiling host ng K-pop talent search na ‘Kispinoy’ | Bandera

Richard nasa TV5 na, napiling host ng K-pop talent search na ‘Kispinoy’

Ervin Santiago - April 24, 2015 - 03:00 AM

JINRI PARK AT RICHARD GUTIERREZ

JINRI PARK AT RICHARD GUTIERREZ

SIGURADONG maraming kabataan ang sasali sa bagong reality talent show ng TV5, ang biggest K-Pop Icon search na KisPinoy to be hosted by Richard Gutierrez kasama ang Korean sexy star na si Jinri Park.

Nu’ng isang araw ni-launch ang nasabing programa kasabay ng bonggang concert ng dalawa sa hottest K-Pop groups na U-Kiss at Laboum na naganap noong Miyerkules sa Mall of Asia Music Hall. Ang dalawang Korean groups din ang nagsilbing special guests sa launching ng KisPinoy.

Para sa mga nagtatanong, ang U-Kiss, or Ubiquitous Korean International Idol Super Star, ay binubuo nina Shin Soohyun, Yeo Hoonmin, Lee Kiseop, Kevin Woo (Woo Sunghyun), at Jun (Lee Jun Young), habang ang Laboum naman ay isang girl group under the management of NH Media and Nega Network na binubuo nina Kim Yu-jeong, Jung So-yeon, ZN (born Bae Jin-yea), An Sol-bin, Kim Yul-hee, at Yeom Hae In.

Bukod sa mga nabanggit na grupo, dumating din ang sikat na Korean actress na si Seo Young-hee para sumuporta sa nasabing proyekto.

Ang KisPinoy ay isang collaboration project ng TV5 at ng YU&IQ International, Inc., (in partnership with YU&IQ Entertainment and NH Media). Ang talent management na ito ang siya ring humahawak sa career ng U-Kiss at Laboum at iba pang Korean superstars.

Ang KisPinoy ay isang reality-based talent hunt that will discover young and talented Filipino K-Pop performers. Magsisimula na itong umere sa TV5 sa darating na June.

“The hopefuls will vie for the chance to be the newest toast of the Asian and global music industry. A multi-million peso recording and management contract in Korea awaits the champion, and possibly another one from the top 10 finalists,” ayon sa producer ng show.

Magsisilbing judge sa KisPinoy ang rock icon na si Rico Blanco at ang TV host-singer na si Nicole Laurel Asensio (anak ng dating singer na si Iwi Laurel), while every week naman, some of Korea’s most prominent artists will be seen as guests, judges, and mentors on the show.

Samantala, exicted na si Richard sa nalalapit na pagsisimula ng show, ito ang kanyang pagbabalik sa larangan ng hosting matapos ngang magpahinga muna at tutukan ang kanyang family life, lalo na ngayong lumalaki na nga ang anak nila ni Sarah Lahbati na si Baby Zion.

Kung tama ang pagkakaalala namin, ang huling hosting job ni Richard ay sa Survivor Philippines pa ng GMA. Kaya sey ng aktor, nagpapasalamat siya sa TV5 at sa mga Korean TV executives na nasa likod ng KisPinoy sa pagkapili sa kanya na maging host ng show.

Makakasama nga niya rito para magbigay ng Korean flavor sa programa ay ang Korean model, DJ and cosplayer na si Jinri Park.

Anyway, sa lahat ng mga interesadong mag-join, ang KisPinoy ay open to all Filipinos ages 13 and up. Those interested can record their songs and dance performances in booths that will be set up in designated SM malls nationwide. These recordings will be sent to Korea for screening.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

The audition dates and venues are as follows: April 24-25, SM City Pampanga; April 27-30, Pampanga (venue to be announced); May 2-4, SM Southmall; May 4-5, Davao City (Almendras Gym); May 7-9 SM City Cagayan De Oro; May 9-11, Mandaluyong (City Hall Gym); May 12-14, SM City North Edsa; May 13-15 SM City Cebu; and May 21-23, SM City Dasmarinas and SM City Bacolod.
KisPinoy is supported by the Korean Chamber of Commerce of the Philippines, the Korean Cultural Center, Bangs Tony and Jackey, KPub BBQ Restaurant, and SM Supermalls.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending