RisingStars Philippines: Mapapanood na ng live, may chance ka pang manalo | Bandera

RisingStars Philippines: Mapapanood na ng live, may chance ka pang manalo

|April 24,2015
facebook
share this

RisingStars Philippines: Mapapanood na ng live, may chance ka pang manalo

- April 24, 2015 - 12:00 AM

ANG talent show na magbabago sa telebisyong Pinoy ay lelevel-up na.

Matapos ang limang episode, naipakita na ang talento mula sa lahat ng sulok ng bansa. Kasama nito ang mga makabuluhang pagsasama ng mga manlalahok, host at mga judges. Talagang nagbigay ng aliw ang paligsahan, sa mga kwento ng kahirapan at pagkasawi, pati na rin sa mga kakaibang pagkanta at paraan ng pagsali.

 

3

Sa pangunguna ng batikang singer-host na si Ogie Alcasid, na nagpatawa at nagpaaliw sa mga manonood, ang show ay puno ng mga kwentong nagpapataba ng puso. Kasama ang beauty queen na si Venus Raj, at ang talentadong si Mico Aytona bilang roving reporter, nabigyang- buhay at kulay lalo ang mga pinanggalingan at inspirasyon sa likod ng bawat kanta.

Mula sa 37 na finalist, 16 na lang ang natira. At tulad ng bawat kompetisyon, nasa kamay ng mga manonood ang kapalaran ng mga kalahok. Ika nga ni Venus, “Puno ang show ng mga unexpected. Malay mo, baka kapitbahay o kaibigan mo na ang iyong mapapanood”. Ang mga tumatayong kinatawan ng kanilang mga pinagmulan, maging ang kanilang lungsod, probinsya o rehiyon, ay nangangailangan ng inyong tulong para matupad ang kanilang mga pangarap.

Ang pagboto ay maaaring gawin sa SMS, sa RisingStars website (www.risingstars.ph), at sa mobile app na maddownload ng libre sa Google Play store. Ang magkasamang bilang ng boto galing sa online, mobile app at SMS ay bubuo sa audience ranking ng finalists. Idadagdag ito sa score na bibigay ng judges para makuha ang huling ranking sa pagkatapos ng bawat episode. Makakatulong ka na sa paborito mo, may pag-asa ka pang manalo bilang isa sa mga active voters. Maaaring manalo ng limang libo (PhP 5,000) ang 15 sa pinakamadaming boto na mapapadala sa episode ngayong Sabado.

Hindi pa dito nagtatapos dahil maaari pang mapalitan ang kahit sino habang nasa kompetisyon. Sa pagsimula ng live show, magbubukas na rin ang Challenge a Star round, kung saan pwede sumali kahit sinong tingin ay mas magaling pa sa mga finalist sa live show. Magrrecord at magpapadala lang ng video sa website o mobile app, at maaari nang tumungtong sa RisingStars stage. Ito rin ay bukas sa pagboto ng publiko, at may mga premyo rin para sa mga top voter.

Ang live shows ay magsisimula sa Sabado, Abril 25, kasama ang 16 finalists na naglalaban sa 8 pwesto sa susunod na round. Sila ay hahatiin sa walong tambalan, at maaari nang bumoto mula Huwebes, Abril 23, 6 ng umaga. Kailangan lamang magrehistro – magpadala ng text na nagsasabing RS REG at ipadala sa 2948 ng libre. Maaari rin mag-register sa website at mobile app gamit ang email o Facebook account.

Maaaring bumoto isang beses sa bawat oras hanggang Sabado, bago magsimula ang show ng 10PM. Mula doon ay maaari nang bumoto bawat sampung minuto hanggang sa huling kanta ng episode.

Ang Challenge a Star ay magbubukas naman mula April 26, ala-6 ng umaga, hanggang 11:59PM ng Abril 27.

Habang umiinit na ang kompetisyon, lalo pang tinataguyod ng RisingStars ang kanilang hindi mapantayan na pag-abot sa audience. Lahat ay maaaring makasali sa show, kahit pa sa huling minuto.

Ang mga sumusunod ay ang code sa bawat contestant, lahat ay ipapadala sa 2948. Ang singil ng carrier ay mababawas sa inyong load.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

1

Chiastine Faye Perez – RS VOTE CHA Dave Alcano – RS VOTE DAVE
Duane David – RS VOTE DUANE Joselito “Bon” Gustilo Jr.– RS VOTE BON
Karl Angelo Zarate- RS VOTE KARL Krezia Mae Toñacao – RS VOTE KREZ
Lee’Anna Layumas – RS VOTE LEAN Lucas Nikko Garcia – RS VOTE LUCAS
Mia Barbra Derilo – RS VOTE MIA Remy Luntayao – RS VOTE REMY
Robert Cozma – RS VOTE ROB Rocelle Solquillo – RS VOTE ROCEL
Ronnie Sarucam – RS VOTE RON Samantha Hoberg – RS VOTE SAM
PFC Virna Liza Moreno – RS VOTE AIZA Victoria Ingram – RS VOTE VIC

Sino ang magtatagumpay? Panoorin ang unang live episode ngayong Sabado, Abril 25, 10PM sa TV5.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending