Vivian Velez type i-remake ang ‘Paradise Inn’ kasama si Angel
Kung bibigyan daw siya ng chance, gustong i-remake ng award-winning actress na si Vivian Velez ang classic movie niyang “Paradise Inn” kung saan nakasama niya ang legendary actress na si Lolita Rodriguez at ang veteran actor na si Michael de Mesa.
Sey ni Vivian, type niyang gampanan ngayon ang role noon ni Lita Rodriguez. Marami raw magagaling na young actress ngayon na pwedeng gumanap sa karakter niya sa pelikula, isa na raw diyan si Angel Locsin na nakasama niya sa seryeng Imortal ng ABS-CBN.
Bilib na bilib ang magaling na aktres sa galing ni Angel kaya challenge sa kanya na makatrabaho uli ang aktres sa isang bonggang pelikula.
Sa ngayon, pahinga muna siya sa akting, gusto raw muna niyang mag-focus sa kanyang mga negosyo. Pero kung may magandang offer sa kanya to act again in a TV series or movies, bakit daw hindi.
Samantala, inamin ng veteran actress na si Vivian Velez na sumailalim na rin siya sa stem cell procedure kaya nagmukha uli siyang bagets at feeling super fresh na naman.
In fairness, she doesn’t look her age talaga – wala siyang wrinkles at ang kinis-kinis pa rin ng kanyang kutis.Nakachika ng ilang members ng entertainment media si Vivian sa presscon ng Regenestem Manila, ang first clinic in Asia ng Regenestem, ito ang international medical practice company na nagbibigay ng “most comprehensive and up-to-date stem cell treatments” sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ayon kay Vivian, hindi siya endorser ng Regenestem Manila, isa raw siya sa mga Filipino client nito, “Talagang hinanap ko sila kasi marami na ang nakapagkuwento sa akin about their services. So, I tried it, at satisfied naman ako.
“Wala naman akong sakit, pero sabi nga nila, mas maganda ang stem cell procedure hangga’t wala kang nararamdaman, so it’s more of prevention, hindi talaga ito cure sa mga sakit.
It will also help improve the health and quality of life of people,” paliwanag ni Vivian. Walang celebrity endorsers ang nasabing medical company at ayaw din nilang isapubliko kung may iba pa silang artistang kliyente bukod kay Vivian – for confidentiality purposes daw.
“Our clinic (na matatagpuan sa Belson House, EDSA Connecticut, Mandaluyong) is comprised of highly-qualified and experienced doctors and professionally-trained medical staff that deliver not only the latest and most cutting-edge procedures in cellular medicine but also world class services in orthopedics, cosmetic surgery, and dermatology,” sey ni Dr. Eric Yalung, cosmetic surgeon at may-ari ng Regenestem Manila.
Ang ilan pa sa mga ipinagmamalaki nilang doktor ay sina Anna Yalung, dermatology, Narciso Adraneda Jr., cosmetic surgery at Ray Allen Enriquez, Orthopedics.
Kung meron kayong mga tanong, mag-e-mail lang kayo sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.