Marian bubuhayin ang karir ni Rhian; DJ Mo epal na naman
Well, sana naman ay makatulong din sa matagal nang naghingalong career ni Rhian Ramos ang pagkakapili sa kanya ng GMA 7 para pumalit kay Marian Rivera sa tomboy series na The Rich Man’s Daughter.
Nang dahil nga sa pagbubuntis ngayon ni Marian, napilitan itong mag-resign sa naturang project at para hindi masayang ang matinding preparasyon ng Siyete for such a big project, dapat lang na may makuha silang kapalit ng Kapuso Primetime Queen.
At ito ngang si Rhian ay hindi naman pangit na replacement. Akala kasi namin ay si Heart Evangelista ang sasalo (mas intriguing and more controversial sana, di ba?) ng project pero okey na rin para sa amin si Rhian.
Yun nga lang, sa tagal ng panahong parang naka-steady lang sa freezer ang career ng aktres, dapat ngayon pa lang ay magpakakontrobersiyal na siya para pag-usapan at maging maingay uli, di ba kapatid na Ervin?
Pero sana, tigilan na ang isyu sa kanila ng DJ na si Mo Twiter dahil nakakaumay na! Pero sigurado kami na hindi pa rin paaawat itong si DJ Mo sa pang-ookray kay Rhian sakaling magsimula na nga ang promo ng The Rich Man’s Daughter kung saan makakasama rin sina Glaiza de Castro, Luis Alandy, Katrina Halili, Mike Tan, Chynna Ortaleza, Sheena Halili at Ms. Gloria Romero.
Samantala, kailangang doblehin ni Marian ang pag-iingat sa kanyang kalusugan para masigurong maayos niyang maipapanganak ang panganay nila ni Papa Dingdong Dantes.
Saludo kami sa naging desisyon ni Marian na unahin ang kaligtasan ng baby sa kanyang sinapupunan kesa sa natanguang mga commitments sa GMA.
Siguradong hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili sakaling may mangyaring hindi maganda sa anak nila ni Dingdong dahil sa pagtatrabaho.
Pero siniguro naman ng mga bossing ng GMA 7 na hindi totally mawawala sa eksena si Marian dahil lalabas pa rin daw ang aktres sa ilang show ng Kapuso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.