Enchong umaming kasalanan niya kung bakit 1 taon walang trabaho
Kung ayaw makatrabaho ng ilang staff ang sikat na aktor ay kabaligtaran naman nito sa kaso ni Enchong Dee na well-loved ng production people pati na ng kanyang mga kapwa artista.
Mabait daw kasi ang aktor at masunurin na artista.Na mukhang totoo naman dahil kung hindi ay marami na sana kaming narinig na reklamo sa kanya. Simula nga nu’ng nakilala namin siya ay wala pa kaming naririnig na negatibo laban kay Enchong.
Kaya nga nagtataka kami kung bakit inabot nang mahigit isang taon na wala siyang TV project sa ABS-CBN, ang akala namin ay ayaw na siyang bigyan ng trabaho.
Kasi naman ang huling proyekto niya ay Ina Kapatid Anak pa na natapos noong Hunyo, 2013 mula sa Dreamscape Entertainment kung saan nakasama niya sina Kim Chiu, Xian Lim at Maja Salvador.
Kaya naman natuwa kami para sa aktor nang mapasama siya sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito kasama sina Richard Yap, David Chua, Sofia Andres at Atoy Co mula pa rin sa Dreamscape sa direksyon ni Erik Salud.
Kasalanan naman pala ni Enchong kung bakit matagal siyang nabakante, “Humingi ako talaga ng bakasyon, parang six months break lang kasi parang nagsunud-sunod ‘yung work.
Tapos, hindi ako vocal, ha, like sa management, I mean, pag may dumating namang trabaho, game naman ako. E, parang napasobra yata,” tumatawang kuwento ng aktor.
“Pero during that time, nakapag-focus ako sa album ko, which is very hard for me kasi siyempre, hindi naman ako nakilala ng tao as a recording artist, so na-excite rin ako kasi na-tour ko ang Pilipinas.
“Naging baby ko ’yung album which is something na ang tagal-tagal ko nang gustong gawin, hindi ko magawa dahil lagi akong nasa set, lagi akong nagte-taping. Ngayon, nu’ng nakapagbakasyon ako, na-focus ko ‘yung sarili ko sa album,” aniya pa.
Nalaman naming mas pinangarap pala ng aktor na maging singer kaysa maging artista, “Ito talaga ang pangarap ko noon pa, ang magka-album.” Nakakuha na raw ng gold record award ang self-titled album niya na mula sa Star Music.
Siya rin ang co-producer nito.Pinadalhan kami ng kopya ng album ni Enchong na in fairness ay magaganda naman ang mga nakapaloob ng kanta, tulad ng “Chinito Problems”, “Seloso”, “Step No, Step Yes”, “Tambalang OMG” (duet with Alex Gonzaga), at marami pang iba, kabilang na ang duet version ng “Chinito Problems” with Yeng Constantino.
“Sana nga mag-platinum na,” saad pa ni Enchong. Samantala, pambata ang Wansapanataym at matagal na raw niyang gustong magbida sa nasabing programa, “Actually, ang tagal ko nang gustong gumawa ng pambata.
Kaya lang, hindi ko maintindihan ba’t hindi ako nabibigyan. Hindi, joke lang!” Isang season daw ang My Kung Fu Chinito na mapapanood tuwing Linggo na magsisimula na sa Hunyo pagkatapos ng Yamishita’s Treasures nina Coco Martin at Julia Montes.
Kinumusta naman namin ang girlfriend niyang si Samantha Lewis at kung sila pa rin dahil wala ngang ingay ang relasyon nila. Balik-tanong sa amin ni Enchong, “Oo. Bakit kailangang ‘kayo pa rin’ (ang tanong)?”
“Hindi lang kami nakikiuso,” katwiran ng aktor. At for the record ay 13th monthsary na raw nina Enchong at Sam. Kailan ba niya planong magpakasal, “Matagal pa.
Gusto ko relax lang, bata pa ako, 26 lang, pag ano na 33 (years old) na ako,” tugon ng binata. At tungkol naman sa negosyo ay alam naman ng lahat na may 5-story building si Enchong na pinauupahan na ang mga magulang niya ang nagma-manage.
Samantala, action ang tema ng Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito at nagsimula na rin daw silang mag-aral ng Wushu kasama sina Richard, David at Atoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.