MICHELLE MADRIGAL: Para sa akin masarap talaga ang foreigner! | Bandera

MICHELLE MADRIGAL: Para sa akin masarap talaga ang foreigner!

- June 13, 2012 - 04:32 PM

Kaya raw hindi na siya nagkakadyowa ng Pinoy

Kahit anong pilit ang gawin namin sa Kapuso sexy actress na si Michelle Madrigal ay ayaw pa rin niyang sabihin kung ano ang pangalan ng kanyang boyfriend ngayon.

Pero aniya, isa raw itong taga-El Savador at naglalaro rin ng football dito sa Pilipinas.

May konek din daw ito sa Azkals.

Halatang in love na in love si Michelle sa kanyang boyfriend, seven months na raw silang exclusively dating at mukhang seryoso na  ang kanilang relasyon.

Pero siyempre, para kay Michelle maikli pa raw ang pitong buwan kaya mas kinikilala pa rin  nila ang isa’t isa.

Medyo tahimik din ang lovelife ni Michelle at mas gusto niya raw ang ganito dahil walang masyadong nakikialam at walang masyadong nang-iintriga. ‘Yan din daw ang dahilan kung bakit ayaw niyang ibandera ang identity ng guy.

“Kasi for seven months hindi ko masyadong ginagawang issue, hindi rin naman namin itinatago dahil lumalabas-labas din kami, pero mas okay pala ‘yung ganu’n na hindi masyadong public.

Feeling ko kasi hindi tama ‘yung pag-usapan lagi ‘yung lovelife, mas maganda kung tungkol sa career ko, sa mga projects ko.

Para mas tahimik ang buhay!” chika ni Michelle nang makausap namin siya sa presscon ng bago niyang afternoon series sa GMA 7, ang Faithfully na magsisimula na sa darating na Lunes.

At tinanong namin si Michelle kung mas okay bang karelasyon ang mga foreign guy, dahil after John Hall nga ay heto’t isang El Salvadorian naman ang kinakalantari niya? Ha-hahaha! Kinakalantari talaga, ‘no!

“Ang last Pinoy boyfriend ko talaga, si Victor Neri, di ba? Si John foreigner pero may Pinoy blood pa rin, e, itong bago pure talaga, walang kahit kaunting dugong Pinoy. Ewan ko, siguro nagkakataon lang.

Pero I must say, mas natsa-challenge kasi ako sa mga foreigner.

“For one, sila kasi, they’re not very strict, hindi rin naman sila ‘yung kahit anong gawin mo okay lang, but mas open minded sila, hindi sila mahigpit, kahit na lumabas ako with my other guy friends, okay lang sa kanya.

Most of the times kasi pag Pinoy, ‘O, bakit ganyan? Bakit ganu’n?’ Parang bawal kang magkaroon ng kaibigang lalaki,” paliwanag ni Michelle.

Anyway, sa Lunes na magsisimula ang seryeng Faithfully kung saan kasama nga si Michelle, ka-join din dito sina Maxene Magalona, Isabelle Daza, Iasbel Oli at Vandess del Moral, at sina Mike Tan at Marc Abaya.

Base sa trailer na napanood namin sa presscon ng Faithfully, ito’y tungkol sa limang magkakaibigan na dadaan sa iba’t ibang  pagsubok ng buhay – kung saan masusubok ang tatag ng kanilang friendship.

Sinu-sino nga ba ang traydor sa grupo, sino ang ahas at sino ang tunay na magkakampi at magkaaway?

Makakasama rin sa afternoon series na ito sina Timmy Cruz, Chanda Romero, Will Devaughn, Miggs Cuaderno, Jamaica Olivera, Victor Aliwalas at Kevin Santos.

Ito’y as direksiyon ni Mike Tuviera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa June 18 na ito magsisimula pagkatapos ng Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending