Andre ayaw nang patulan ang paninira ng inang si Jackie Forster kay Benjie Paras: I’m sorry…!
NAKIUSAP ang Kapuso at Viva Artist Agency talent na si Andre Paras sa entertainment press na huwag na siyang tanungin tungkol sa mga pinagsasabi ng nanay niyang si Jackie Forster laban sa amang si Benjie Paras.
Sa presscon ng bago niyang pelikula under Viva, ang “Your Place Or Mine” kung saan makakasama niya ang equally-controversial couple na sina Andi Eigenmann at Bret Jackson, sinabi ni Andre na wala siyang gustong sabihin kay Jackie.
“Oh, sorry, no comment… I don’t wanna comment about it,” anang utol ni Kobe Paras.
Kung matatandaan, talagang ibinandera ng dating aktres ang mga diumano’y kasiraan ni Benjie noong nagsasama pa sila bilang mag-asawa. Pero hindi siya pinatulan ni Benjie.
Marahil ay pinagsabihan na rin ni Benjie at ng mga bossing ng Viva si Andre na huwag nang magsalita tungkol sa kanyang ina.
Samantala, mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagsabak ni Andre sa pag-aartista dahil bukod nga sa afternoon series niya sa GMA na The Half Sisters, heto’t may bago na naman siyang movie sa Viva, ito ngang “Your Place Or Mine” na showing na sa April 29.
Natanong ng press ang binata kung ano ang komento niya na ikino-consider na rin siya ngayong young heartthrob sa showbiz, “I’m really… kinikilig po ako kasi, honestly, tama ba yung term ko? Ah, I’m really flattered, kasi knowing that I’m able to make people feel that way, important kasi na maging role model to people.
“I think I’m doing my job well, and I’m enjoying pa rin (sa trabaho),” aniya pa. Pero mabilis niyang inamin na mas heartthrob pa rin ang tatay niya at ang kapatid na si Kobe dahil kung minsan daw kapag nasa mall siya ay napagkakamalan siya laging si Kobe.
Speaking of “Your Place Or Mine”, diretsong sinabi ni Andre na noong una ay natakot talaga siya sa direktor nilang si Joel Lamangan na alam naman nating lahat na isang “terror” na direktor.
“Honestly, I did. Honestly, natakot ako. Kasi I did learn a lot from people na kung how he is as a director, how he teaches, kung ano po yung approach niya.
“As a new actor, I’m really aware what to avoid. I want to make things right, I want to make a good impression. I think, I did well. And there are times na he knew na I’m new. I’m adjusting pa rin naman.
Pero sorry na lang sa mga beki na naglalaway kay Andre dahil kahit sexy-comedy ang kanilang movie ni Andi ay hidni siya pinaghubad ni direk Joel.
“Nag-T-shirt lang po ako and jeans sa movie. Wala akong parang si Bret na lumalabas sa CR (topless), nakadamit po ako. Wala pa namang sexy scenes,” sabi pa ng youngstar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.