Willie, Ai Ai sanib-pwersa sa pagbabalik ng GMA | Bandera

Willie, Ai Ai sanib-pwersa sa pagbabalik ng GMA

Cristy Fermin - April 17, 2015 - 12:00 AM

WILLIE REVILLAME AT AI AI DELAS ALAS

WILLIE REVILLAME AT AI AI DELAS ALAS

Kapuso na nga ang Comedy Concert Queen! Kahapon nang umaga ay pumirma na siya ng kontrata sa GMA 7, kumabilang bakod na siya, goodbye Kapamilya na ngayon si Ai Ai delas Alas.

Nagbubunyi ang kanyang mga tagasuporta, matagal na panahon na kasi nilang hindi man lang napapanood sa kahit anong programa sa Dos ang kanilang idolo, pero ngayon dahil sa Kapuso network ay palagi nilang makakasama ang nag-iisang Comedy Concert Queen.

Tatlong programa agad ang naghihintay kay Ai Ai, magiging abala siya sa paglalagare, hindi tulad nu’n na nakatengga siya sa Dos na ang dahilan ay ang mga ehekutibo lang ang istasyon ang nakakaalam.

Ang tanong, totoo kaya ang umiikot na balita na magiging co-host siya ni Willie Revillame sa Wowowin? May pag-uusap na raw ba ang magkaibigan tungkol du’n?

Wala pang kinukumpirma sa amin si Willie sa pinakahuli naming pagkukuwentuhan, pero isang bagay lang ang tiyak, maligaya si Willie dahil magkasama na sila ngayon sa iisang bubong.

Kung babalikan ay parehong “anak” ng GMA 7 sina Willie at Ai Ai, sa Siyete sila nagsimula, kinuha lang ng Dos ang kanilang serbisyo.

Kaya welcome back pala ang dapat nating sabihin kina Ai Ai at Willie, maligayang pagbabalik sa GMA 7, the station where they truly belong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending