Ikaapat na diretsong panalo nakubra ng Cebuana Lhuillier | Bandera

Ikaapat na diretsong panalo nakubra ng Cebuana Lhuillier

Mike Lee - April 14, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro sa Huwebes
(Ynares Sports Arena)
1 p.m. Café France vs MP Hotel
3 p.m. Hapee vs KeraMix
Team Standings: Cebuana Lhuillier (4-0);  Hapee (2-1); Café France (2-1); Cagayan Valley(2-2); Jumbo Plastic
(2-2); AMA University (2-2); KeraMix (2-2);  Tanduay Light (1-3);  Liver Marin (1-3); MP Hotel (1-3)

TUMATAG ang depensa ng Cebuana Lhuillier Gems sa ikatlong yugto na sinabayan ng pag-iinit ni Jackson Corpuz para angkinin ang 81-70 panalo sa Tanduay Light Rhum Masters sa 2015 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 18 puntos si Corpuz  at 13 rito ay kanyang ginawa sa ikatlong yugto na dinomina ng Gems, 24-15.

Dikitan ang first half at lamang pa ng isa ang Rhum Masters, 35-34, pero nagpalit ang momentum sa ikatlong yugto para hawakan ng Gems ang 58-50 bentahe.

Si Moala Tautuaa ay mayroong 20 puntos at 11 boards habang sina Norbert Torres at Paul Zamar ay mayroong 16 at 12 puntos para sa balanseng pag-atake.

Kumapit pa ang Gems sa liderato sa 4-0 baraha habang ang Rhum Masters ay natalo sa ikatlong sunod na pagkakataon tungo sa 1-3 baraha.

Tinapos ng Cagayan Valley ang dalawang dikit na pagkatalo sa pamamagitan ng 73-57 pamamayagpag sa Jumbo Plastic Giants sa unang laro.

Si Abel Galliguez ay mayroong 14 puntos at tatlong triples ang kanyang ginawa sa first period para ilayo na ang Rising Suns, 22-11.

Matindi ang shooting ng Cagayan Valley sa3-point line dahil siyam ang kanilang naipasok sa 16 attempts para maitabla ang karta sa 2-2.

Kasalo nila ngayon ang Giants bukod pa sa KeraMix Mixers at AMA University Titans para sa ikaapat hanggang ikapitong puwesto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending