Utos ng GMA 7: Willie bawal nang mag-casino, pinaiiwas sa politika | Bandera

Utos ng GMA 7: Willie bawal nang mag-casino, pinaiiwas sa politika

Ervin Santiago - April 14, 2015 - 02:00 AM

willie revilame

Diretsong inamin ni Willie Revillame na totoong nagka-casino siya pero mariin niyang pinabulaanan ang chika na halos maubos na ang kanyang kayamanan dahil sa pagsusugal.

Sa interview kay Willie ng Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday sa GMA, inamin ng TV host na dati niyang libangan ang pagsusugal, pero ngayon daw ay tumigil na siya.

“Nagkaka-casino, yes, tatanggapin ko, totoo ‘yan. Naglibang lang ako sa buhay ko. Pinakiramdaman ko lang kung anong meron kasi hindi ako sanay diyan, e. Na-challenge ako.

“Oo, nagsugal ako, pero part ng buhay ng tao ‘yan. Pero hindi ako magpapaubos sa casino,” sey ni Willie. Pero nang tanungin ni Jessica kung magkano ang pinakamalaking naipanalo niya sa sugal, umiwas na ang komedyante, sabay sabing, “Text kita! Ha-hahaha!”

Ayon pa kay Willie, matagal na rin siyang hindi nagsusugal at nakalagay din daw sa kontrata niya sa GMA 7 na bawal na siyang magpunta sa casino. Sa susunod na buwan na magsisimula ang Wowowin sa Kapuso network.

“Tinigilan ko na ‘yan. Una, bawal na sa akin gawin ‘yan, kasi in my contract with GMA, hindi na puwede (mag-casino). Tsaka sa sarili ko na rin, sinabi ko kasi ang pangit, e,” paliwanag ng TV host.

Isa pa sa mahigpit na ipinagbabawal sa kanya ng Siyete ang gamitin ang Wowowin sa pulitika,“Hindi naman (bawal sumabak sa politics), bawal ako sigurong ma-involve in politics na magagamit yung show.”

Tumanggi naman si Willie na sabihin kung magkano ang eksaktong talent fee niya pero siniguro naman niya na nagbabayad siya ng tamang buwis.

Sa pagkakaalam namin, P1 billion ang pinirmahang kontrata ni Willie noon sa TV5 kaya more or less ay ganito pa rin ang TF niya ngayon.

Ayaw ding sagutin ni Willie ang tanong kung milyonaryo o bilyonaryo na ba siya, basta ang sabi niya, “Hindi mo ige-gauge yung pagkatao mo sa pera, e.

“Hindi ako sa bilyonaryo o milyonaryo. Aanhin mo lahat ng perang ‘yan kung paglabas mo diyan, e, walang nagmamahal sa ‘yo. Sa akin, hindi ko Diyos ang pera. I just want to enjoy my life,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending