‘MISMO’ wagi sa Trinity University Platinum Stallion Media Awards
Anyway, habang kami ay nagkakasiyahan sa Santa Barbara nu’ng Saturday, April 11, tinawagan ko si Papa Ahwel Paz, my BFF na ka-partner sa “Mismo” program namin sa DZMM kung siya ba ay tumuloy sa Trinity University of Asia para tanggapin ang natatanging parangal namin as Best AM Radio Showbiz Program.
Nakasabay naming awardees kasi that night sina Ted Failon, Ms. Korina Sanchez, ang pogramang “Dos Por Dos” at iba pa. Si Papa Ahwel lang ang tumanggap ng trophy on our behalf kasi nga meron akong napakahalagang commitment sa Iloilo the same day.
“Nakaka-proud lang Kuya Jobert kasi nga mga academician ang bumoto sa atin. Nakakatuwa dahil first time daw nilang nagbigay ng parangal sa isang entertainment program sa radio. Talagang ibinoto raw nila tayo,” ani Papa Ahwel habang proud na proud na ikinukuwento sa akin ang proceedings over the phone.
How I wish na nandoon ako pero nauna kong natanguan ang 100th birthday ni Lola Leoning. Labis po ang pasasalamat naming dalawa ni Papa Ahwel, kasama ng buong team namin sa DZMM sa tiwalang ibinibigay ninyong lahat sa amin.
Nakakatuwa dahil meron din palang puwang ang ganitong uri ng radio show sa isang iginagalang na award-giving body from a known university.
Nakaka-inspire to work harder kaya sana ay tuloy-tuloy na ito. Sana mapansin din kami ng iba pang award-giving bodies, di ba? Ha-hahaha! “Masaya kasi ang program ninyo at may laman. Hindi yung run of the mill na radio show lang.
May tawanan kayo, may sari-saring opinyon and most of all, updated kayo sa lahat ng showbiz issues. Tsaka hindi kayo PR show. Pag meron kayong gustong punahin, kahit artista pa ng ABS-CBN, ay hindi kayo nagdadalawang-isip. Unlike many other shows na super-biased. Kaya masarap kayong pakinggan dahil fair kayo.
“May times na sobrang init ng topics ninyo, may time naman na nai-enjoy namin ang pagiging musical pag meron kayong guest singers.”And you know how to handle interviews – that makes your show far different from many other radio show.
Ang sarap ninyong panoorin lalo na sa Teleradyo. “At nakakaloka kayong mag-blind item, nakakapukaw ng curiosity. Para rin kayong mga baliw minsan.
Kaya cute ang show ninyo,” pagmamalaki ng isang regular viewer/listener namin sa “Mismo”. How flattering indeed! Ayan ha, awardees na kami ni Papa Ahwel kaya dapat ay lalo naming paiigitingin ang program namin.
Mas dadami pa yata ang talak ko from now on. Ha-hahaha! Hindi naman. Joke lang. Thanks again sa Trinity University of Asia sa kanilang Platinum Stallion Media Awards lalong-lalo na sa parangal na iginawad ninyo sa “Mismo”. Grabeng blessing ito. Thanks a million. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.