Charice nabwisit nang ikumpara sa ganda, boses ni Ariana Grande
Obviously, hindi nagustuhan ni Charice ang ginawang pagku-compare sa kanila ng equally-talented international singer na si Ariana Grande. Isang video ang kumalat sa social media kahapon kung saan mapapanood ang rendition nina Charice at Ariana ng Whitney Houston hit na “I Have Nothing.
Sa Facebook post ng ABS-CBN fanpage last April 11 nakasulat ang, “Ariana Grande & Charice cover Whitney Houston’s ‘I Have Nothing.’ Who sang it better? Watch & Listen to their interpretation! You’ll be the judge!”
Sa video, makikita na parehong si David Foster ang tumugtog sa piano with Charice and Ariana, the version of Ariana was taken last April 8, 2015, while yung kay Charice ay kuha six years ago pa.
Charice posted a message on her Instagram account last Saturday, at tila na-offend nga ang lesbian singer sa ginawang pagkukumpara sa kanila ni Ariana. She posted a screen shot ng survey ng ABS-CBN Facebook fanpage at nilagyan niya ito ng caption.
Sey ni Charice: “Sabi nila, wag daw sa social sites. Pero yung iba okay lang? Lol? Eto na!!!! Please. Tigilan n’yo na ako with your ‘comparisons’ with other artists.
“Magaling ang version ni Ariana. Pinakamagaling ang version ni Whitney. Walang nakakaangat dahil iba iba kaming mga mang-aawit. Kaya hindi maka-move on ang madlang people dahil kayo mismo ang ayaw mag-move on, irespeto ang desisyon ng isang tao.
“I’ve had it. Una sa lahat, napakalayo ng itsura ko kay Ariana, KAYA BA KAILANGANG PALITAN ANG PICTURE KO? Para makisabay? Malayo pa rin. Maganda si Ariana. Sobrang nakaka-offend.
But I guess yun yung point niyo, ‘di ba? Ma-offend ako? “Alam kong iba-iba nagha-handle ng account na ‘to. Pero nagtataka lang ako kung bakit everytime pagdating sa akin, kung hindi comparison, negative at kakaunti lang ang positive.
Kaya iba rin ang tingin sa akin ng ibang tao.”Pero on the brighter side, si Ariana yan. Ariana did an amazing job. THERE’S YOUR ANSWER.
“Wala nang magtatanong sa akin. This is your answer and I’m not mad, just a little offended. I’m cool baka isipin ng iba naman, masama ugali ko kasi na-‘offend’ lang ako.
“God bless and sana puro peace na lang and move on din pag may time. Walang bumabata. Tumatanda na tayong lahat.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.