Pacquiao: Experience ang alas | Bandera

Pacquiao: Experience ang alas

- June 09, 2012 - 04:08 PM

Ni Frederick Nasiad
Sports Editor

MUNTIK nang matalo si Manny Pacquiao sa huli niyang laban kay Juan Manuel Marquez ng Mexico sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada noong Nobyembre.

Sa labang iyon ay natumbok ni Marquez ang mga kahinaan ni  Pacquiao.

At ito ang balak gayahin  ni Timothy Bradley Jr. na naglalayong maagaw kay Pacquiao ang World Boxing Organization Welterweight title bukas sa pareho ring venue.

Ayon sa Amerikanong boksingero, mas mabilis at mas malakas siya kaysa kay Marquez kaya ang hindi natapos ni Marquez noong Nobyembre ay kanyang tatapusin bukas.

Pero Nobyembre pa naganap ang laban na iyon na muntik nang magpatalo kay boxing champ.

Mula noon ay malaki na ang ipinagbago ni Pacquiao, at kabilang na rito ay ang kanyang pananaw sa buhay na pinaigting pa ng matinding pananamplataya sa Diyos.Bukod pa rito ay nasa kampo ni Pacquiao ang ikinukonsidera na isa sa pinakamahusay na boxing trainer sa mundo — si Freddie Roach.

Maging si Roach ay umamin sa mga pagkukulang nila sa huling laban ng kanyang alaga laban sa Mexicanong si Marquez.

Ngayon, sinisiguro na umano niyang hindi na mauulit ang nangyari noong Nobyembre sa laban ni Pacquiao kay Bradley bukas.

Natuwa rin si Roach sa training camp ni Pacquiao.

Kuntento din aniya siya sa paghahanda nila laban kay Bradley at kumpiyansa siyang mananaig ang kanyang alaga sa bakbakan bukas.

Nagbanta rin si Roach na sa kasalukuyang kundisyon ni Pacquiao, di malayong mapatumba nito si Bradley sa laban.

Maging si Pacquiao ay kampante na mapapanatili niya ang korona.

Di niya alintana ang batu-batong sikmura  at mabibilis daw na suntok ng 28-anyos na si Bradley.

Sa edad na 33 ay hindi na bata si Pacquiao. Ngunit, aniya, hindi pa rin naman daw siya iniwan ng kanyang lakas at bilis.

At ito ang kanyang ipamamalas kay Bradley.

Alam ni Pacquiao na kailangan niyang magpakita ng magandang laban para mabura sa isipan ng karamihan ang muntik niyang pagkatalo kay Marquez at para na rin iparating ang mensahe kay Floyd Mayweather Jr. na kailangan na nilang magtuos sa hinaharap.

Aminado naman ang kampo ni Pacquiao na bagaman wala pang talo si Bradley ay hindi nito  ka-level si Pacquiao sa mundo ng boxing.

Tanging si Mayweather na lamang ang nalalabing boxer na makapagbibigay ng magandang laban  kay Pacquiao at makapagpapasaya sa mga boxing fans.

Gayunman, kailangan pa ring mag-ingat si Pacquiao kay Bradley.

Bukod sa gutom sa pansin itong si Bradley ay kontra pa ang “numero” at ang sinasabing “sumpa”  kay Pacquiao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pananaw ng Bandera,  mananalo pa rin si  Pacman sa fourth round.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending