Mga guardian angel bibida sa ‘Nathaniel’ nina Gerald at Shaina
TALAGANG mainit na inaabangan ng televiewers ang nalalapit na pagsisimula ng bagong serye ng ABS-CBN – ang Nathaniel. Kuwento ito ng isang sanggol na namatay at nang umakyat sa langit ay nakiusap kay San Pedro na bumalik sa lupa para matupad ang kanyang misyon – ang pagpapalaganap ng pagmamahalan sa mundo.
Naniniwala raw kasi si Nathaniel na mero pa ring natitirang kabutihan sa bawat puso ng tao kaya gusto raw niyang makasama ang mga ito – pinagbigyan naman siya ni San Pedro na siyang may hawak ng susi papasok sa langit.
Napakaganda ng tema ng Nathaniel na ihahatid sa atin ng Dreamscape Entertainment na siya ring nagbigay ng mga hindi malilimutang teleserye sa ABS-CBN like May Bukas Pa, 100 Days To Heaven, Honesto at marami pang iba.
Obviously ay may touch ng bata ang mga palabas na hatid ng Dreamscape at lahat ito ay tunay na pumatok talaga sa manonood. Galing, di ba?
Makakasama ng bidang bata sa Nathaniel na si Marco Masa sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Isabelle Daza, Pokwang, Freddie Webb, among others. Magsisimula na ito ngayong April kaya dapat talaga nating abangan.
At bongga talaga sila, bihira ang TV show na magkakaroon ng special preview na gaganapin sa sinehan – nakakatuwa dahil makakasama ninyo ang buong cast ng Nathaniel and other Star Magic artists mamayang 5 p.m. sa Cinema 7 ng Trinoma.
Only the first 600 na manonood ang puwedeng i-accommodate ng Dreamscape sa Trinoma ngayong hapon kaya might as well go there much earlier para makasigurong makapasok.
Limited lang talaga kasi ang kaya ng venue. Hala, gising na at mag-ayos kaysa makipagsiksikan later sa Trinoma, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.