Mga taong api | Bandera

Mga taong api

Ramon Tulfo - April 11, 2015 - 03:00 AM

ARAW-ARAW, lahat ng klaseng pang-aapi ng mahihirap ang natatanggap ng aking programa, “Isumbong mo kay Tulfo,” sa DWIZ.

Ang aming opisina ay nasa ika-limang palapag ng Citystate Center, 709 Shaw Blvd., Pasig City.

Ang mga mamamayan na nakaranas ng pang-aapi sa kamay ng mga makapangyarihan ay walang napupuntahang tanggapan ng gobyerno na pinakikinggan ang kanilang hinaing.

Kaya’t ilang media entities na tumatanggap ng sumbong galing sa mga mahihirap na mamamayan ay pinuputakte ng maraming tao araw-araw.

Mabuti naman at may mga media entities na napupuntahan ang mga taong-api dahil sila ang nagsisilbing safety valve upang ang kanilang sama ng loob ay mapunta sa himagsikan o revolution.

Tingnan lang ninyo klase ng mga sumbong ang mga kasong dinudulog sa “Isumbong.”

Mula Lunes hanggang nitong Biyernes, ang mga sumusunod ay mga reklamo na inilapit sa akin:

Si Marvin Verzosa, 21, walang trabaho, ay nakakulong sa intelligence division ng Pasay City Police Station matapos siyang arestuhin ni SPO1 Ronald Alla.

Pinaghinalaan ng pulis-Pasay na si Alla na ninakaw ni Verzosa ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa kanyang bahay sa Barangay Sto. Nino, Paranaque City.

Walang ebidensiya na nakuha kay Verzosa, pero ipinasiya ng inquest fiscal na si Roque Rosales na makulong ito.

Sinabi ng nanay ni Verzosa, na si Aling Analie, sa inyong lingkod na pinahirapan ang kanyang anak ng mga pulis.

Please note, mga giliw na mambabasa, na ang diumano’y pagnanakaw sa motorsiklo ni Alla ay naganap sa Paranaque City pero nakakulong siya sa Pasay City police station.

Walang jurisdiction ang Pasay City police sa kanya dahil ang nasabing nakawan ay nangyari sa Paranaque.

Si Junaur Pelaez na nakakulong sa police station ng General Mariano Alvarez (GMA) sa Cavite dahil sa hinalang siya’y isang akyat-bahay.

Hinalughog ng mga pulis-GMA ang bahay ni Pelaez kahit wala silang search warrant pero walang nakitang nakaw na gamit.

Sinabi ng nanay ni Pelaez na si Aling Aurora na ang kanyang anak ay pinahirapan din ng mga pulis.

Si Cristina Roquero, isang OFW sa Iraq, ay dumulog sa akin at isinumbong ang Citybus Liner.

Nasagasaan kasi ng Citybus ang anak ni Aling Cristina na si Rachel, 18 anyos.

Nangako ang Citybus management na babayaran nito ang hospital at medical bills ni Rachel, pero ni singko ay walang binigay.

Ang abogado ng Citybus, isang nagngangalang Atty. Romero, ay pinapabalik-balik lang si Aling Cristina.

Nakomang si Rachel dahil sa aksidente.

Ang University of Perpetual Hospital/Dr. Jose G. Tamayo Medical University Inc. ay inirereklamo sa hindi pagpayag na mailabas ang bangkay ng sanggol na premature na pinanganak.

Ang mga magulang ng sanggol, na mga menor de edad, ay walang kakayahang magbayad.

Ang bill ay umabot sa P758,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bangkay ng sanggol ay nasa morgue ng ospital mula pa noong
Biyernes Santo, April 3.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending