Pacman bawal nang dalawin sa training camp; pinoy fans sa Amerika hinarang | Bandera

Pacman bawal nang dalawin sa training camp; pinoy fans sa Amerika hinarang

Cristy Fermin - April 11, 2015 - 02:00 AM

freddie manny pacman

Madaling intindihin kung bakit matinding paghihigpit ang ginagawa ngayon ni Coach Freddie Roach sa pag-eensayo ng Pambansang Kamao sa Wild Card Gym sa LA.

Ayaw kasi nitong maabala si Pacman, ayaw nitong masira ang konsentrasyon ng kanyang manok, dahil malapit na nga naman ang pinakahihintay na salpukang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather, Jr. sa Las Vegas.

Naalala tuloy namin ang kuwento nu’ng hindi pa nagbabagong-buhay ang Pambansang Kamao, habang nag-eensayo siya ay biglang dumating ang isang female personality, natural lang na itinigil muna ni Pacman ang pagsuntuk-suntok sa kanyang punching bag.

Galit na galit nu’n ang kanyang coach, naabala kasi ang kanyang ensayo, kaya mula nu’n ay sinabihan nito si Pacman na kapag nag-eensayo siya ay ‘yun lang talaga ang kanyang gagawin at wala siyang tatanggaping bisita sa kanyang pagpa-practice.

Ilang kaibigan namin ang nagsadya sa Wild Card Gym para makita nang personal ang iniidolo nilang boksingero, pero sa parking lot pa lang ng Wild Card Gym ay may nagsabi na sa kanila na hindi sila makapapasok, naghintay na lang sila sa labas para kahit paano’y makita si Pacman sa kanyang pag-uwi.

Pero hindi pa rin nangyari ang inaasahan ng ating mga kababayan, nakatutok na ang kotse ni Manny sa may pintuan ng gym, bahagya nang kumaway sa kanila ang kampeong boksingero bilang pasasalamat sa kanilang pagdalaw.

Ipagdarasal pa rin nila ang tagumpay ni Pacman sa salpukan nila ni Mayweather. Susuportahan pa rin nila si Congressman Manny.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending