Lihim ni Patrick nabuking daw ni Ara kaya nakipaghiwalay na | Bandera

Lihim ni Patrick nabuking daw ni Ara kaya nakipaghiwalay na

Ambet Nabus - April 11, 2015 - 02:00 AM

patrick ara mina

KAHIT nagbigay na ng pahayag si Ara Mina hinggil sa tunay na estado ng relasyon nila ng ka-live in na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, marami pa rin ang naniniwala na naghiwalay na talaga ang dalawa – ito’y bago pa man binyagan ang kanilang unang baby.

Ayon kasi si Ara, ang pinagdaraanan daw nilang magdyowa ay normal lang sa isang relasyon, pero halos lahat ng nakakausap namin ay iisa ang sinasabi – hindi na talaga sila masaya sa piling ng isa’t isa.

Napakatindi ng mga kumakalat na tsismis patungkol sa dahilan ng sinasabing “gulo” sa pagitan ni Ara at ng kinakasama nitong pulitiko, pero dahil non-showbiz naman daw ang involved, respetuhin na lang natin for now ang hiling ng aktres na ibalato muna sa kanya ang sitwasyon at hayaan muna siyang mag-enjoy sa pag-aalaga sa kanyang anak.

Pero ang tanong nga sa amin ng isang kakilala, totoo raw ba na may nabuking si Ara na diumano’y sikreto ng kanyang kinakasama kaya nagdesisyon na siyang makipaghiwalay dito?

“Naku, asahan na nating lalala pa ang mga tsismis dahil malapit na ang eleksyon. Kilalang pulitiko ang ama ng anak ni Ara at sa dami ng mga tsika dito mula sa personal nitong pagkatao hanggang sa mga nakarelasyon nito from showbiz, libreng kampanya na yun para may pag-usapan habang campaign period,” sey pa sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending