Mabisang mantra para bumalik muli ang asawa | Bandera

Mabisang mantra para bumalik muli ang asawa

Joseph Greenfield - April 11, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Elsie ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City

Dear Sir Greenfield,

Mabigat po ang problema ko sa ngayon, kasi po matapos mambabae ng mister ko tuluyan na siyang sumama sa kerida nya. Sa ngayon dalawang buwan na siyang hindi nagpapakita. Ni-text hindi nya na kami na alala pa at hindi man lang siya na-ngungumusta sa kalagayan namin. Sa ngayon sobrang depressed talaga ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay kong ito. Mahal na mahal ko ang aking asawa kaya gusto ko siyang bumalik sa amin para mabuong muli ang aming pamilya. Sir Greenfield may alam ka bang gayuma o orasyon para mapabalik ko na ang aking asawa sa aming bahay. October 4, 1988 ang birthday ko at January 28, 1987 naman ang mister ko.
Umaasa,
Elsie Gen San City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit naman hindi mo siya gamitan ng orasyon, umasa kang darating ang saktong panahong kusa rin siyang uuwi sa iyong bahay sa ayaw at sa gusto niya, sapagkat ito ang nais sabihin ng iisa lang naman na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa
iyong palad. Tanda na isang beses ka lang makapag-aasawa at iyon ay magiging pang habam- buhay na.
Cartomancy:
Two of Hearts, Three of Spades at Eight of Hearts ang lumabas (Illustraion 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pansamantalang pagsubok lamang ang nararanasan ng inyong pamilya sa kasalukuyan, kung saan, paglipas ng buwan ng Abril at Mayo, pagdatig ng buwan ng Hunyo, tulad ng inaasahan, may orasyon man o wala, kusa ng babalik sa inyong piling ang mister mong minsan ding naligaw ng landas.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending