Anong negosyo ang magpapayaman? (2) | Bandera

Anong negosyo ang magpapayaman? (2)

Dodie Gonzalez - April 10, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay  Clarissa, Capitol Site, Kalibo, Aklan

Problema:

1. Kabababa lang ng barko ang mister ko at sa tagal na niyang seaman ay medyo nakaipon na kami ng puhunan. Ngayon ay balak naming magnegosyo na lang para hindi na siya sumampa uli sa barko.

2. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ano po ba ang magandang negosyo na dapat naming simulan sa taong ito. October 14, 1974 ang birthday ng mister ko at May 5, 1976 naman ako.
Umaasa,
Clarissa ng Kalibo,  Aklan

Astrology:

Tunay ngang tugma at compatible ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) at Libra naman ang mister mo. Sa produktong may kaugnayan pagkain, tiyak ang magaganap—mas madali kayong uunlad at aasenso. Bukod sa produktong pagkain, puwede rin sa inyong mag-asawa ang grocery sa public market, lalo na kung iro-rolling o irarasyon n’yo sa ibat-ibang lugar ang inyong paninda. Sa ganyang negosyo kayo yayaman.

Numerology:

Samantala, dahil sa birth date mong 5 at 14 naman ang mister mo ay siguradong yayaman kayo kapag nagsama sa anumang uri ng negosyo. At hindi lang yayaman, kapag nag-concentrate talaga kayo sa binabalak nyong negosyo, mayaman na mayaman ang kahahantungan ng buhay nyo.

Luscher Color Test:

Sa sandaling kayo ay nakapagsimula na ng negosyo, mapalad ang kulay na pula upang lalo pang sumagana at umunlad ang inyong negosyo hanggang maging ubod sa yaman kayo.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Clarissa, sa taong ito ay simulan n’yo na agad ang negosyong nabanggit na sa itaas at huwag kalilimutang gumamit ng kulay pula. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap. Kung magsisimula na kayo sa taong, lilipas ang anim hanggang walong taon, sa year 2021—sa edad mong 45 pataas at 47 naman ang mister mo—mayamang mayaman na kayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending