PNP pinagpapaliwanag ng NUJP sa pag-aresto sa ex-NPC president
“And doing so just as he arrived in the country from a vacation, a fact that alone proves he is not a flight risk, indicates a strong desire to, at the very least, publicly humiliate him, which is not farfetched given that Yap appears to have offended no less than the MPD’s intelligence chief,” dagdag pa ng NUJP.
Dahil dito, hiniling ng NUJP, sa pangunguna ng chairperson nito na si Rowena Paraan, sa pamunuan ng Philippine National Police na pagpaliwanagin nito ang hepe ng MPD na si Chief Superintendent Rolando Nana, hinggil sa aksyon ng kanyang mga tauhan.
Hiling din ng grupo sa PNP na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa ginawang paglabag ng mga tauhan ng MPD sa matagal na kasunduan na ipinatutupad sa pagitan ng Pambansang Pulisya at grupo ng mga media gaya ng NUJP, NPC, Philippine Press Institute at Kapisan ng mga Broadcaster sa Pilipinas. Batay sa MOA, wala dapat pag-arestong gagawin sa hanay ng media na nahaharap sa kasong libel tuwing weekend at holiday.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.