Umiiwas pag napag-uusapan ang kanyang kayamanan
Vandolph natatakot sa pagtakbong senador ni Alma
HALF-HEARTED si Vandolph Quizon nu’ng una niyang malaman ang pagtakbo ng kanyang ina na si Alma Moreno bilang Senador sa susunod na halalan.
Pero nu’ng nag-announce na officially ang Mama Ness niya during her nth birthday celebration tungkol sa kanyang pagtakbo sa Senado ay desidido na rin si Vandolph na suportahan ang kanyang ina.
“Siyempre worried din ako dahil ‘yun nga, maraming babatikos.
Kumbaga, ibang stage na ‘to.
Pero full support naman ako sa Mama ko ever since, e.
Sabi ko lang, ‘Ma, nandito lang ako kung kailangan mo ako.
If you want a shoulder nandito ako,” sabi ni Vandolph.Dahil sa pagsisikap ng kanyang ina na makarating sa mas mataas na posisyon sa gobyerno, tinanong namin si Vandolph kung siya ba ay naengganyo na ring pumasok sa politika.
“Malayo pa po ‘yun, unahin ko muna nanay ko.
Tsaka asikasuhin ko muna ang mga anak ko.
Kapag okey na sila, graduate na, saka ako magdedesisyon.
Gusto ko rin, of course. Timing din. Pero si Daddy (Dolphy) kasi ayaw sa politics, e.
Kaya kahit anong sabihin ko doon laging, ‘Huwag, huwag na.’ Kaya ako nag-iisip din.
May Dolphy side ako na ayoko, may Alma side na okey. Binabalanse ko rin,” saad pa ni Vandolph.
Natatandaan pa namin nu’ng bata si Vandolph sinabi niya sa amin na gusto niyang maging Presidente ng Pilipinas pag laki niya, “Mahirap pala. Ha-hahaha!” tawa niya.
“Kung nag-aral akong mabuti, baka. E, kasi naaksidente ako, tsaka may pamilya na. I’ll just be a good dad siguro.”
After ng announcement ni Ness, ipaaalam daw ni Vandolph agad ang balita sa kanyang ama, “Pero sinabi ko naman sa kanya before.
Ang sabi niya, ‘Kaya ba ng nanay mo?’ Alam niya kasi na medyo bawal ang stress (kay Ness), sabi ko, ‘Opo, kaya ni Mama ‘yun.’
Tapos sabi niya, ‘Ang nanay mo talaga.’ E, kilala rin niya si mama. Kumbaga, fighter din,” lahad ni Vandolph.
Masayang ibinalita ni Vandolph na okey na okey na ang daddy niya ngayon.
Nagpapatawa na raw sa kanila si Dolphy.
Nilinaw naman ni Vandolph sa amin ang balitang nagkaroon sila ng pag-uusap na magkakapatid tungkol sa kalagayan ng kanilang daddy.
“Meeting lang about, kung sino ang magbabantay kay Papa.
Kumbaga, take turns. ‘Yun lang naman.
Pero walang usapan tungkol sa hatian ng properties, walang ganu’n.
Buhay pa naman ang tatay namin, e.
Kumbaga, it’s not proper na pag-usapan.
Kung napag-uusapan man, nao-open up din with Papa pero sinasabi niya huwag muna nating pag-usapan,” kwento ni Vandolph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.