Pacquiao-Mayweather pay-per-view aabot ng $99 | Bandera

Pacquiao-Mayweather pay-per-view aabot ng $99

- April 02, 2015 - 09:38 PM

BALAK mo bang manood ng  Manny Pacquiao- Floyd Mayweather Jr. fight sa pamamagitan ng Pay-per-view?  Kung talagang atat kang mapanood ng “live” ang laban ng dalawa sa Mayo 2 (Mayo 3 sa Pilipinas), maghanda-handa ka nang mas malaking pera.

Ayonsa ulat ng Wall Street Journal, ang pay-per-view television cost ng welterweight unification bout ay papalo sa record-breaking $99 para sa high-definition habang $89 para sa standard.

Ang huling bayaran sa pay-per-view ay nasa  $74.95 para sa  HD at $64.95 para sa  standard.

Nakatakdang tapusin ng HBO at Showtime ang “deal” nila para rito sa susunod na linggo, ayon sa WSJ.

Ayon pa sa WSJ, inaasahan na posibleng umabot sa $300 milyon ang kikitain ng Pacquiao-Mayweather fight sa PPV, at tatalunin ang rekord nitong $152 milyon na kinita noon sa laban ni Mayweather kay Saul “Canelo” Alvarez.

Sa nasabing kita sa PPV, $120 milyon ang siguradong mapupunta kay Mayweather jabang $80 milyon naman ang kay Pacquiao.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending