Kapag umalma ang NCCA: Josie Rizal 'papatayin' sa Tekken | Bandera

Kapag umalma ang NCCA: Josie Rizal ‘papatayin’ sa Tekken

- April 02, 2015 - 09:03 PM

NAGBANTA ang creator at game director ng Tekken na “papatayin” na lamang si Josie Rizal, ang Filipino character sa nasabing global famous franchise, sa sandaling hilingin ng gobyerno ng Pilipinas na palitan ang pangalan nito.

Sa isang tweet, sinabi ni  Katsuhiro Harada na tatanggalin na lamang niya ang character ni Josie Rizal kung maglalabas ng pahayag ang National Commission on Culture and the Arts na hihiling na palitan ang pangalan ng nasabing character.

Ito ay matapos mag-twee si  Chris O. Easley (@Ulect) na nagsasabi na: “NCCA is just concerned about the name, the character should not be deleted just change the name!”  na sinagot naman agad ni Harada ng: “No. If it happens, I’ll delete her.”

Nauna nang nagpahayag si Harada na naniniwala siya na ang character ni Josier ay espesyal para sa mga Pilipinong manlalaro sa nasabing gaming community, at kung hindi rin naman ito makakakuha ng suporta sa kanyang mga kababayan ay madali naman umano siyang “patayin” ng kompanya.

“Josie [is] for (the) fighting game community. But Josie is very special for (the Philippine) gamer community.”

“If Josie can’t get supported in the Philippines, we give her up anytime. Tekken 7 arcade board has a network update system. We can change plan and change characters anytime and quickly,” pahayag pa ni Harada.

Iginiit pa ng Tekken creator na may 90 porysento nang mga natanggap niyang feedback sa pagpasok ni Josie Rizal sa laro ay positibo.

Ilang netizens ang hindi payag sa pagalang Josie Rizal.  Anila isang kasiraan ito sa pangalan ng pambansang bayaning si Jose Rizal.

Sinabi naman ng NCAA na wala pa itong opisyal na posisyon hinggil dito.

Marso 29 nang ilabas ang character ni Josie Rizal sa Tekken 7, siya ay isang babaeng kickboxer na bihasa sa eskrima (Filipino martial art).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending