DANITA PANER gusto nang magpakamatay | Bandera

DANITA PANER gusto nang magpakamatay

|June 03,2012
facebook
share this

DANITA PANER gusto nang magpakamatay

- June 03, 2012 - 03:58 PM

Dahil sa isyu ng pakikipag-live-in at paglalasing

A FEW days ago ay sobrang sama ng loob ng mag-asawang Mama Daisy Romualdez and Papa Manny Paner sa kanilang anak na si Danita dahil sa pagpirma nito ng movie contract with her manager, Tita Annabelle Rama sa Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Nagtampo sila sa kanilang dalaga dahil feeling nila ay hindi sila nirespeto nito, hindi man lang daw kasi sila sinabihan ng kanilang anak na pipirma na ito ng kontrata sa Regal.

“‘Yung sa amin lang naman ay respeto bilang mga magulang niya.

Kasi nga, kahit nasa wastong gulang na siya, I guess it’s but right na sabihan man lang niya kami bago siya gumawa ng major decisions sa buhay niya.

“Hindi naman namin siya pagbabawalan kung sa tingin namin ay makabubuti ito sa kanyang career kesehodang magkaaway kami ni Annabelle.

“Yung sa amin lang ng Papa niya, konting respeto lang. Sabi naman niya, kaya niya itinuloy ang pagpirma without telling us ay baka raw hindi namin siya payagan dahil alam nga niyang may hidwaan kami ng manager niya.

“Nasaktan lang kami ni Manny.

Kasi nga, mahal namin siya.

Anak namin siya, nanggaling siya sa puso namin.

Kumpleto ang mga papers namin sa kanya at alam ng buong mundo kung gaano namin siya kamahal at pinalaki nang maayos.

“Anyway, tapos na ang tampuhan namin.

Humingi na siya ng dispensa.

Iyon nga lang, nasaktan naman siya sa ibang reporters na grabe siyang binanatan. ‘Yung iba, as in below the belt na talaga.

‘Yung tungkol sa pakikipag-live in daw niya at ‘yung tungkol sa paglalasing.

Pinagmukha naman siyang napakasamang babae.

“Kahit kami ni Papa niya ay na-hurt din for her dahil kahit anuman ang sabihin nila, mahal namin si Danita dahil anak pa rin namin iyan.

Sana ‘yung sinulat nila ay ‘yung tungkol lang sa isyu.

Kaya hayun si Danita, gusto na raw magpakamatay.

Huwag naman sanang ganoon,” mahabang kuwento sa akin ni Mama Daisy over the phone.

Tama naman sina Mama Daisy and Danita, di ba?

Puwede namang kastiguhin si Danita on that merit, ‘yung little disrespect sa parents niya for some decisions na ang dahilan lang naman ay parang naipit lang siya sa gulong namamagitan between her mon and her manager.

Kung bati kasi sina tita Annabelle at Mama Daisy, wala naman sigurong problema roon.

Kaya lang, may gap nga ang dalawa kaya natakot din si Danita na maapektuhan pag di sinunod ang kagustuhan ng kanyang manager, di ba?

Kaya kung nagkamali man siya sa naging decision niya ay di naman siya siguro dapat hinusgahan nang sobra-sobra.

Puwedeng pangaralan at pagsabihan pero huwag namang babuyin ang kanyang pagkatao.

Medyo maaliwalas na ang kapaligiran between Danita and her parents.

All’s well na naman ang mundo nila kaya let’s leave it that way na lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Let’s just wish them harmonious relationship in and out of the business, OK?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending