outbrain

RJ Padilla kay Daniel: Kumapal lang ang bulsa niya, pero ganu’n pa rin ang ugali ng utol ko!

By Ervin Santiago April 02,2015
share this

RJ Padilla kay Daniel: Kumapal lang ang bulsa niya, pero ganu’n pa rin ang ugali ng utol ko!

By Ervin Santiago April 02,2015
share this

rj padilla
Pumirma na rin ng exclusive two-year contract ang kapatid sa ama ni Daniel Padilla na si RJ Padilla sa GMA 7.

“Sobrang blessed ko po. Nagpapasalamat po ako sa Panginoon, kasi isang malaking karangalan na pagkatiwalaan ako ng GMA para maging bahagi ng kanilang pamilya.

Makaka-asa po sila na lalo ko pang pagbubutihan at pagsisikapan ang lahat ng mga proyektong ibibigay nila sa akin,” ani RJ.
Bukod sa Bubble Gang, makakasama rin si RJ sa bagong weekly series ng GMA na InstaDad na pagbibidahan ni Gabby Eigenmann.

Magsisimula na ito sa darating na Linggo, April 5. Samantala, okay pa rin ang relasyon nila ni Daniel kahit na sikat na sikat na ito. Nakatapak pa rin daw ang kapatid niya sa lupa, “Wala siyang, ‘Bro, mas sikat ako sa ‘yo!’ Walang ganu’n!”

At wala namang nagbago sa ugali ni Daniel, pati sa kung paano niya ako tratuhin. Kumapal lang ang bulsa niya! Ha-hahaha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending