Mommy ni Jam Sebastian galit kay Mich: Alam niya kung ano’ng mga ginawa niya! | Bandera

Mommy ni Jam Sebastian galit kay Mich: Alam niya kung ano’ng mga ginawa niya!

Ervin Santiago |March 31,2015
facebook
share this

Mommy ni Jam Sebastian galit kay Mich: Alam niya kung ano’ng mga ginawa niya!

Ervin Santiago - March 31, 2015 - 02:00 AM

maicar sebastian
Mainit na pinag-uusapan ngayon ng netizens sa social media ang naging interview sa nanay ng yumaong YouTube sensation na si Yam Sebastian sa Startalk noong Sabado.

Kalat na kasi ang tsismis na hindi pala maayos ang relasyon ngayon ni Mrs. Maricar Sebastian sa girlfriend ng kanyang anak na si Mich Liggayu. Itoy matapos ngang mailibing si Jam tatlong linggo na ang nakararaan.

Base sa mga sitsit, hindi raw nagustuhan ng ina ni Jam ang pagkaka-link ni Mich sa isang baguhang singer (Neo Dominguez) at ang plano nitong pagpasok sa showbiz.

Sa ngayon daw ay dedmahan ang drama sa pagitan ng dalawang babae sa buhay ni Jam. Sa interview nga ng Startalk, tinanong si Gng. Maricar kung ano ang masasabi niya sa nasabing issue, ang naging sagot nito, “No comment ako dun.

Wala akong ano du’n…hindi daw siya dapat pakialaman. Tapos na yung kabanata nila ng anak ko.” Dugtong pa nito, “Siya na lang nakakaalam nu’n. Alam niya kung ano ang mga ginawa niya.

Nasa ano pa ako, time na hindi pa talaga ako maka-move on. Kaya gusto ko munang respetuhin kasi kamamatay lang ng anak ko. Kaya in time na lang ako magsasalita.

“Hindi ko naman siya pinapakialaman kung saan siya pumupunta at hindi ko siya tinatanong. Basta ang focus ko nasa anak ko, yun lang,” ang pahayag pa ng ina ni Jam.

Siguradong hindi rin matatahimik ang kaluluwa ni Jam kung magpapatuloy ang samaan ng loob ng kanyang nanay at naiwang girlfriend. Sana’y maplantsa na nila nang mas maaga ang kanilang problema para na rin kay Jam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending