Jolo: Bakit ko naman gagawin ‘yun, may Maya naman ako! | Bandera

Jolo: Bakit ko naman gagawin ‘yun, may Maya naman ako!

Ervin Santiago - March 30, 2015 - 07:49 PM

jodi sta maria

NAKABALIK na sa trabaho ang actor-politician na si Jolo Revilla kaninang umaga bilang vice governor ng Cavite matapos ang 28 araw na pamamahinga.

Ilang linggong hindi nakapasok si Jolo sa kanyang trabaho matapos ang kanyang operasyon sa dibdib na siyang napuruhan nang aksidente niyang mabaril ang sarili noong Feb. 28. Mainit ang naging pagtanggap ng mga kababayan ni Jolo sa Cavite sa kanyang pagbabalik. Um-attend ang vice governor sa flag ceremony sa Kapitolyo ng Cavite sa Trece Martirez kaninang umaga. Dito nga dinenay ng aktor-politiko ang balitang nagpakamatay siya dahil hindi na niya nakayanan ang mga personal niyang problema. “Tigilan na sana ang anumang agam-agam na lumalabas at pilit na pinalulutang sa publiko. It was a pure and simple accident. Hindi biro ang nangyari. “The bullet almost pierced my heart. It was half-inch away from a vein that flows blood to my heart. I almost died. Thank God, I survived,” pahayag ni Jolo. Nilinaw din niya ang ulat na nagbaril siya sa sarili dahil may problema sila ng kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Mari. Sabi ng binata, “Bakit ko naman gagawin yun, e, may Maya naman ako? I am very grateful for having Jodi. “She is always by my side in spite of the ordeal my family is facing. Si Jodi, kahit anong busy niya, talagang nag-e-effort. “Isipin mo, from Zambales, she went straight to the hospital just to stay with me on that time. Wala talaga kaming problema ni Jodi. Kumbaga, araw-araw siyang nasa hospital. Ikalawa, kahit na may trabaho siya, talagang pinipilit niyang magpunta,” paliwanag pa nito. Inamin din ng vice governor na meron pa rin siyang trauma sa nangyaring aksidente, sa katunayan, binabangungot pa rin siya hanggang ngayon kaya sa tabi pa rin ng kanyang inang si Lani Mercado siya natutulog, “Yong trauma na ayaw ko munang matulog sa kuwarto ko…bumabalik kasi s’ya sa akin eh.” Nakatakda namang magtungo sa Amerika si Jolo sa ikatlong linggo ng Abril para sa medical checkup for migraine.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending