Xian Lim type amuy-amuyin ang mahabang buhok ni Kim Chiu
NATAWA kami sa isang item about this malditix starlet na si Xian Lim dahil paalis nga raw sila ni Kim Chiu for a US concert tour very soon at naipangako nila sa kanilang mga sarili na maglilibot sila sa Amerika lalo na sa San Francisco kung saan based si Xian.
Habang nagkukuwentuhan daw sila sa harap ng ilang entertainment press ay inaamoy-amoy daw ni Xian ang buhok ni Kim.
“Baka kaya niya inaamoy-amoy ay para malaman kung pareho sila ng shampoo o conditioner.
Ha-hahaha! Baka takot siyang matalbugan ni Kimmy pagdating sa hair,” sabat ng isang mas malditang baklitang friend namin.
Kayo talaga – kaya niya siguro inaamoy-amoy ang buhok ni Kim para ma-confirm ninyong hindi siya badikla.
Na lalaki siya at talagang may pagtangi kay Kim Chiu. Kayo naman, maliit na bagay, pinalalaki niyo pa. Ha-hahahaha!
“Yung ibang lalaki kasi, yung mga barako ha, gusto iuwi sa bahay o condo ang mga dyowa nilang girlash.
Nais tienesen. Pero sila, pa-cute pa rin. Kasi nga, hindi siya type ni Kim. Pinakikisamahan lang dahil magka-loveteam sila.
“Pag hindi pinakisamahan ni Kim Chiu iyan, baka mawalan sila ng projects na siya lang namang means of livelihood nila.
Hindi pa kasi nila kayang mag-solo, kailangan nila ang isa’t isa, lalo na itong si Xian. Si Kim kahit papaano ay meron ng market pero si Xian – mga taga-Albay lang. Ha-hahaha” sarkastikong sabi ng isang kapitbahay namin.
Ang mahirap sa inyo, kahit anong gawin ni Xian ay palagi na lang ninyong binibigyan ng kulay. Pati pagmi-make-up niya at paglagay ng lip gloss ay big issue kaagad.
Natural lang iyon dahil artista sila and they have to look good sa harap ng public. Hayaan ninyo nang maputi ang balat niya at mapula ang lips niya – he needs a certain amount of vanity para ma-feel niyang artista siya. Let him be. Let it go. Let it go. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.