Alumni ng Iskul sinabihan ang HS salutatorian na mas importante ang asal sa grado
IPINAGTANGGOL ng mga nagtapos sa Sto. Niño Parochial School (SNPS) ang paaralan matapos naman maging viral angvideo kung saan pinatigil ang salutatorian ng high school sa kanyang talumpati.
Nagpahayag din ng pagsuporta ang mga alumni ng paaralan matapos namang ireklamo ng salutatorian na si Krisel Mallari ang paaralan.
“We, alumni of SNPS, issue this statement to express our full support to our beloved Alma Mater, its administration, faculty, and staff, amid uncalled-for attacks on an educational institution that has strived to build a good reputation for the past five decades,” sabi ng SNPS alumni sa isang pahayag.
Pinuri pa nito ang paaralan sa pagbibigay ng magandang edukasyon sa nakalipas na 50 taon. Nauna nang inihayag ng Department of Education (DepEd) na nagsasagawa na ito ng imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiya.
Makikita sa video na pinatigil si Mallari sa kanyang pagsasalita matapos namang banatan ang paaralan. Naging viral naman ang video sa social video kung saan binatikos ng mga netizen ang paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.