Hapee sasagupa sa Liver Marin | Bandera

Hapee sasagupa sa Liver Marin

Melvin Sarangay - , March 30, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(JCSGO Gym)
11 a.m. Tanduay Light vs AMA University
1 p.m. Liver Marin-SSC vs Hapee
Team Standings: Cebuana Lhuillier (3-0); KeraMix (2-1); Cagayan Valley (1-1); Café France (1-1); Jumbo Plastic
(1-1); AMA University (1-1); Tanduay Light (1-1); MP Hotel (1-2); Hapee (0-1); Liver Marin (0-2)

PIPILITING makabangon ng Hapee Fresh Fighters mula sa nakakagulat na pagkatalo sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa 2015 PBA D-League Foundation Cup sa pagharap nila ngayong hapon sa bagitong Liver Marin-San Sebastian College Guardians.

Ang pinapaborang Fresh Fighters ay siguradong ibubuhos ang lahat ng kanilang makakaya para masungkit ang unang panalo laban sa Guardians sa kanilang laro dakong ala-1 ng hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

“We’ll try to be better as coaches,” sabi ni Hapee coach Ronnie Magsanoc. “And we will have to put them (players) in a better situation.”

Ang mga galing sa unang pagkatalo na Tanduay Light at AMA University ay maghaharap naman sa unang laro sa ganap na alas-11 ng umaga.

Ang malamyang preparasyon ng Fresh Fighters ang naging dahilan para makalasap sila ng 64-61 kabiguan sa kamay ng Jumbo Plastic Giants noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Magsanoc na ininda ng Fresh Fighters ang pagkawala ng mga mahahalagang manlalaro buhat sa San Beda Red Lions at kawalan ng pagsasanay kasama sina Bobby Ray Parks, Troy Rosario, Scottie Thompson at Arnold Van Opstal, na pawang mga miyembro ng national team na nakatakdang sumabak sa Southeast Asian Basketball Association (Seaba) at Southeast Asian Games ngayong taon.

Subalit sinabi ni Magsanoc na hindi ito dahilan para hindi maglaro ng maayos ang Fresh Fighters na inaasahang nakapag-adjust na sa pagpasok ng mga bagitong sina Mark Romero, Arvie Bringas at Mar Villahermosa.

Bagamat naging maganda ang panimula ng Titans, inaasahan ni AMA coach Mark Herrera na muling magpapakita ng husay ang kanyang mga manlalaro sa pangunguna nina Jay-R Taganas at Marcy Arellano.

Pipiliting makabangon ng Titans mula sa dikit na pagkatalo sa Cagayan Valley Rising Suns, 75-70, kung saan humablot si Taganas ng league record 29 rebounds.

“Jay-R is a certified workhorse,” sabi ni Herrera. “He may not draw much attention, but he’s the most consistent player on the team.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending